|
|
| 'Magdusa Ka' at 'Kahit Isang Saglit,' lalaban sa entries ng Brazil at FranceAuthor: Nitz Miralles May kaguluhang nangyari last Monday sa GMA studio at involved ang talent manager na si Joyce Ramirez at ang alaga niyang si Phil Younghusband. Sinamahan ni Joyce si Phil na maggi-guest sa A Sweet Life ng Q-11 hosted by Lucy Torres-Gomez at co-host nito si Wilma Doesnt, para bumati ng happy birthday kay Grace Lee. Habang hindi pa kinukunan, nag-stay sina Phil at ang manager niya sa waiting area at du'n, nakakuwentuhan ni Joyce ang handler ni Akihiro Sato na naglambing na iboto si Akihiro sa Celebrity Duets 3. Sagot daw ni Joyce, ibuboto niya si Akihiro ng worth P1,000 text votes at nagbiro kung ano ang kapalit noon? Nagalit daw si Phil, nagwala umano mula sa waiting area ng GMA studio, umabot sa canteen at hanggang sa labas ng GMA Network. Magta-taxi na lang daw siya at uuwing mag-isa. Ang kapatid ni Phil ang nagkumbinseng bumalik ito sa set, maging professional at tapusin ang natanguang commitment. Hindi ito ang first time na nabalitaan naming nag-away ang talent manager at ang kanyang talent and the last time they fought, grabe ang nangyari kay Joyce. Wala ring kamalay-malay si Akihiro na cause siya ng away ng manager at talent. Sa pagwawala ni Phil, ituloy pa kaya ni Joyce ang pagboto kay Akihiro sa Celebrity Duets 3? * * * Nominated ang Magdusa Ka ng GMA-7 sa Best Telenovela category sa 37th Emmy Awards na ang awards night ay gagawin sa November 23 sa New York Hilton Hotel. Makakalaban ng Magdusa Ka ang Kahit Isang Saglit ng ABS-CBN, kung saan bida sina Jericho Rosales at Carmen Soo at entries ng Brazil na India A Love Story at ng France na Second Chance. Nominated namang Best Actress si Angel Locsin para sa Lobo at makakalaban niya ang British actress na si Julie Walter, French actress na si Emma de Caunes at Mexican actress na si Cecilia Suarez. Bida ng Magdusa Ka sina Dennis Trillo at Katrina Halili, na tiyak tuwang-tuwa sa nominasyon ng series na una nilang pinagtambalanan. First time sa bad boy role rito ang actor at first time namang nagbida si Katrina, pero ngayon, balik siya sa pagkukontrabida sa Rosalinda at mahusay niyang nagagampanan ang role ni Fedra. * * * May kapalit na project ang hindi pagkakatuloy ni JC de Vera sa Daisy Siete dahil siya ang bida sa bagong episode ng Dear Friend pagkatapos ng 3 Bachelors na umeere pa ngayon. Kung 'di kami nagkakamali, second time na ng actor sa Dear Friend dahil lumabas na siya kapareha si Ryza Cenon. Sabi ni Rams David, program manager ng nasabing Sunday series, wala pang title ang episode at 'di pa tiyak kung sino ang makakapareha ni JC dahil sinisiguro pa nila kung kayang mag-drama ng napipisil nilang makakatambal ng actor. Ang tiyak pa lang ay si Mark Reyes ang director ng episode na kukunan daw sa Pangasinan. * * * Inabangan ang episode ng Survivor Philippines: Palau noong Monday dahil sa pang-aaway ni Tara Macias kay Charles Fernandez at kung ano ang gagawin ni Mika Batchelor. Disappointed ang ibang viewers kay Charles dahil pumayag na tarayan, murahin at sigaw-sigawan ni Tara. Ang daming "kung ako 'yon" reaction sa viewers pati sa Internet. Pinagdidiskitahan ni Tara si Mika, kaya abangan natin ang mangyayari ngayong nag-merge na ang Koror at Airai tribes. Malapit nang malaman ang 2nd Pinoy Sole Survivor dahil sa November 13, na ia-announce ang winner ng P3 million. * * * MAMAYANG gabi sa Stairway to Heaven, ayaw maniwala ni Jenna (Rhian Ramos) na siya si Jodi kahit ipinipilit ni Cholo (Dingdong Dantes). Hindi sinipot ni Cholo ang engagement party nila ni Eunice (Glaiza de Castro) na ikinagalit nang husto ng dalaga. Dadalhin ni Cholo si Jenna sa beach para ipaalala ang nakaraan, pero dahil may amnesia, walang maaalala ang dalaga. Muntik makita ni Cholo kay Jenna ang kuwintas na bigay niya kay Jodi. Source: People's Tonight |