|
|
| 'Magdusa Ka' nominated in Emmy AwardsAuthor: Fidel Jimenez Nominado sa prestihiyosong International Emmy Awards ang sinenobela na Magdusa Ka. Kaya naman lubos ang kasiyahan ng bida sa soap na si Katrina Halili at direktor na si Mario J Delos Reyes. Sinabi ni entertainment reporter Audrey Carampel na hindi makapaniwala si Katrina nang malaman na nominado nga sa Emmy ang unang soap na pinagbidahan niya sa Kapuso Network. Ang Emmy Awards ay prestihiyosong international award giving body na nagbibigay parangal sa mga pinakamagagaling na television program. Kasama ni Katrina sa naturang soap sina Rita Avila, Dennis Trillo, Iwa moto at Lisa Lorena. "Lahat po kami naghirap sa show na 'yon, nagpuyat, napagod kami lahat do'n,' pahayag ni Katrina sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes. Naniniwala naman si Direk Mario na bukod sa mahusay ang kanyang mga artista, nakatulong ng malaki para mapansin ang soap dahil sa pagkakaroon ng taktak Pinoy ng istorya. "It's a very Filipino story, siguro its uniqueness nung treatment, yung uniqueness ng storya, yung uniqueness ng setting, fitted well the category of being Asian telenobela," ayon sa premyadong direktor. Sinabi ni Direk Mario na malaking karangalan na ang maging nominado sa Emmy Awards at bonus na lamang kung mananalo sila. "Daan-daan, siguro thousand ang pumasok na entries, and for you to be included in the elimination, napakalaking importansiya na," ayon kay Direk Mario. "Kung manalo 'di ba bakit hindi. 'Di ba magandang opportunity yun sa amin. Pero kung hindi, okey na rin sa amin na na-nominate kami do'n," idinagdag ni Katrina. This page requires a higher version browser Source: GMANews |