Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Magdyowang housemates, kalabisan ang sabay na pagtira sa Bahay ni Kuya

Author: Mercy Lejarde
Column: Tell & Tell

NAKANGITI pero seryosong sinagot ni Dingdong Dantes ang tanong ng yours truly sa Yes! Lifestories bookazine autograph signing niya last Saturday sa Powerbooks Greenbelt 4 kung ninanamnam ba nila ni Marian Rivera ang bawat sandali, as in moment to moment, kapag sila ay magkasama.

"Yes, not moment to moment but second to second," sey niya.

Ganu'n? Dyosme, buti na lang at hindi natutuyot ang biyuti nila ni Marian, hahaha!

Anyway, kasosyo pala itong si Dingdong ng Summit Media sa paglalabas ng bookazine.

* * *

ISA si Wendy Valdez sa endorsers ng Da Bar Apple Vodka together with Jay-R Siaboc, Jaymee Joaquin at John James Uy.

Alam na raw ng boyfriend niyang si Bruce Quebral na tinanggap niya ang pagiging endorser ng vodka brand kaya kapag dumating uli rito si Bruce for a brief vacation (sa Qatar na ito naka-base bilang flight steward), magkakaroon sila ng "intimate apple vodka party," pero hindi raw para magpakalasing nang husto.

Sosyal at moderate drinking session lang daw with the labs of her life.

* * *

PINANGALANAN na noong nakaraang Sabado ang mga housemate na sina Jimson, Carol, Jason at Princess bilang mga nominado sa Pinoy Big Brother Double Up first eviction night ngayong gabi.

Si Jimson (ng House B) ay nakatanggap ng sampung nomination points na karamihan ay galing sa unang batch ng female housemates na ang pakiramdam ay kalabisan ang sabay na paninirahan ni Jim at ng asawang si Kath sa Bahay ni Kuya.

Samantala, si Carol ay tumanggap naman ng limang nomination points mula sa tatlong housemates sa House B dahil hindi raw sila close.

Ang kuya-kuyahan naman niyang si Tom, ibinoto siya dahil mukhang napakadali raw mahulog ng loob ng dalaga kay Hermes.

Sa kabilang bahay (House A), nominated naman si Jason, na nakakuha ng pitong puntos dahil hindi maintindihan ng mga kasama sa bahay, at si Princess dahil masyado raw palaban at hindi nakikipag-close sa mga kasamahan.

Iba-iba ang naging reaksyon ng mga nominado pagkatapos ng nomination night.

Kung si Carol ay nag-iiyak kay Big Brother, si Jim naman, ipinaalala sa asawa ang usapan na kung isa sa kanila ay mapapalabas ng Bahay ni Kuya, magbu-voluntary exit ang kabiyak.

Bagama't nalungkot, mas maluwag namang tinanggap nina Jason at Princess ang pagiging nominado.

Iboto ang paborito n'yong housemates para maisalba sa kauna-unahang eviction.

Para bumoto gamit ang cellphone, i-text lang ang BB space, name of housemate, at i-send sa 2331 (para sa Globe, TM, Suncellular at Bayan wireless subscribers) o 231 (Smart at Talk 'N Text).

Source: People's Tonight