Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mainit ang laban sa 'Reyna ng Aliwan'

Mainit ang laban sa 'Reyna ng Aliwan'

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

MAS higit na mainit ang labanan ngayon sa Reyna ng Aliwan, na nilalahukan ng 24 magagandang dilag sa Pilipinas.

Pero sinu-sino kaya kina Anna Camille del Rosario, Camille Ramos), Charvel Rowen Paredes, Stephanie Rae Paras, Rizelle Manio, Parul Framil Shah, Ma. Genina Isidro, Kate Lao, Ma. Christia Josefa Luna, Alona Pa- sague, Nerissa Dimaculangan, Thoreen Hal­vorsen, Asley Ann Himor, Sian Elizabeth Maynard, Kat- rina Malahay, Natalie Grace Roberts, Marie June Bebing, Ariane May Briones, Aliah Heitz, Romarie Cunanan, at Charise Hannah Ingente ang makakakuha ng korona?

Ang magwawagi bilang Festival Queen ng Aliwan Fiesta 2009 ay mag-uuwi ng P100,000 at tropeo, bukod sa pagiging ambassadress of goodwill ng turismo.

Gaganapin ang pa­geant night sa ika-24 ng Abril sa Aliw Theater sa CCP Complex, tampok ang mga likha ng Fashion Desig­ners A­ssociation of the Philip­pines.

Ang coronation night sa Quirino Grandstand ay susunod sa Grand Parade ng ika-25 ng Abril.

Ang Aliwan Fiesta ay suportado rin ng Smart Communications, Enervon, Tuseran, Biogesic, Lady's Choice, Mr. Donut, Alaska, Coca-Cola, Ensure, M. Lhuillier, at Mabuhay Manor. Ang Reyna ng Aliwan ay proyekto ng Manila Broadcasting Company.

Siyempre, dadalo ang Reyna ng Aliwan 2008 na si Mary Jean Lastimosa.
***

Type niyo bang maibsan ang init niyo ngayong tag-araw? Puwes, tambay lang kayo sa harap ng TV niyo at manood ng mga bagong handog ng GMA Records and Home Video, tulad ng The Best of Bubble Gang nina Michael V. at Ogie Alcasid, at Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Aba, siguradong sulit kayo dahil magkahalong tawanan, iyakan at aksiyon ang mapapanood niyo, ha! At puwede niyo pa itong ipangregalo sa mga friends niyong naiinitan din ngayong summer.

Mabibili ang DVD nila sa SM Record Bars, Odyssey, Video City, Astroplus and Astrovision.

Source: Abante