|
|
| Maite, bagong Thalia sa MexicoAuthor: Abante SA likod ng mala-anghel na kagandahan at kabaitan, ikinukubli ang isang mapait na karanasan. Siya ang anghel ng lansangan na si Marichuy, ang bida sa bagong Mexicanovelang “Maria de Jesus”, na magsisimula na sa Lunes sa ABS CBN. Ang Maria de Jesus ay sikat na sikat sa Latin America. Bida rito ang mga pinagpapantasyahang Latin superstars ngayon, na tinaguriang bagong Thalia na si Maite Perroni at Brad Pitt ng Mexico na na si William Levy. Si Maite ay isang tanyag na singer-actress sa Mexico. Siya ang nanguna sa top 50 list ng People en Espanol. Ang Cuban hunk naman na si William Levy ay naging modelo noon bago naging artista sa TV. Sundan ang kuwento ni Marichuy, isang babaeng laki sa bahay ampunan na anghel ng lansangan pero may angking kapilyahan. Makakatagpo niya ng landas ang guwapong doktor na si Juan Miguel na siyang magtatanggol sa kanya sa isang gulong kanyang kinasangkutan. Ang tanging layunin ni Juan Miguel ay tulungan si Marichuy ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay isang bagong pag-ibig pala ang kanyang matatagpuan. Paano kung ang pag-ibig na kanilang mararamdaman para sa isa't isa ay laban pala sa itinakda ng tadhana? Bubuhayin ng “The Singing Bee” ang alaala ng namayapang si Michael Jackson kasama ang mga sikat nitong fans sa “The Singing Bee” ngayong gabi. Pangungunahan nina Nyoy Volante, Duncan Ramos, Vince Alaras ang pagpapakitang-gilas sa pagkanta ng mga awitin ng nasirang music icon. Kung pataasan lang ng boses ay hindi magpapahuli ang tatlo na kuhang-kuha ang sikat na falsetto ng kanilang idolo. Hindi rin papatalo si Jojo Alejar, na kamakailan lang ay sumayaw at umiyak sa telebisyon para kay Jackson. Pero, sa Sunday pa siya sasali sa The Singing Bee, kasama ang iba pang dati niyang kasamahan sa “That's Entertainment”. Source: Abante |