Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Maja, 8 buwang walang trabaho

Maja, 8 buwang walang trabaho

Author: Nel Alejandrino
Column: Tattle

SALAMAT sa kanyang exposure sa kanyang commercial sa Suncell at, kahit papaano, madalas pa rin nating napapanood si Maja Salvador sa television.

But do you know na eight months na rin pala siyang walang trabaho? Kaya, ayon nga sa kanyang confidante, nababawasan na raw ng malaki ang naiipon ni Maja.

Maja was supposed daw to do the series, Anna Liza, na di nga nagkaroon ng kaganapan. Then, she was offered Dulce Amor, na di rin naman natuloy.

Sa totoo lang, nakakapanghinayang na ang isang talent na tulad ni Maja, na napakaganda din naman, ay di nabibigyan ng recognition due her.

* * *

Almost a year din daw siyang nabakante, ayon naman sa komedyanteng si Long Mejia. Unlike Maja, though, nagkakaroon siya ng exposure sa tv, dahil nabibigyan siya ng pagkakataong makapag-guest sa mga shows ng ABS CBN, katulad nga ng Wowowee.

Madalas daw, bago mag-start ng show, inaabutan siya ni Willie (host ng Wowowee) ng kung magkano. Na, kahit nahihiya, tinatanggap niya.

Ilang days din daw kasi ang hinihintay bago makapaningil ng talent fee. Na okay din lang sana, kung hindi mo kailangan ang pera.

E, siya lang daw ang inaasahan ng kanyang pamilya. Apat lahat ang kanyang anak. Ang kanyang panganay ay 19 at kumukuha ng kursong Hotel and Restaurant Management. The three others, ages 15, 14 and 13, are all in high school.

These days, happy daw si Long at parang 'bumabawi' siya where his career is concerned. Dala-dalawa ang kanyang shows and with two different channels pa.

He is in the sitcom, Everybody Hapi, on TV5 at kasama niya sa sitcom sina John Estrada, Eugene Domingo, Roxanne Guinoo at Matt Evans.

In the fantasy series, Dragonna, on ABS CBN naman, he pits comedy talents with Bayani Agbayani.

"Bayani ng Comedy para sa akin si Bayani," ani Long. "Kaya, honored ako na magkapatid at parehong ampon ang papel na ginagampanan naming dalawa.

"Ampon naman naming si Shaina (Magdayao, who is playing the title role of Dragona)," susog pa ni Bayani.

Paired with Shaina in Dragonna is Jake Cuenca.

* * *

Two young stars na, wika nga, matagal ding nawala sa showbiz scene, are staging a comeback in Dragonna. These are Carlos Agassi and Eda Nolan.

Carlos said his last series was Princess Sarah, which had Sarah Geronimo playing the title role.

Naging vegetarian pala si Carlos, kaya, akala daw ng marami nagka-sakit siya.

These days, though, Carlos looks good.

Marami siyang businesses na ipu-pundar. Pawang may kinalaman sa health and fitness.

Isinara na nila ni Kris Aquino ang pinagsosyohan nilang spa business, located sa first floor ng ELJ Building. Sobrang nagmahal daw ang renta, kaya, kesa malugi, nag-decide silang i-give na lang ito.

Eda, on the other hand, waited until mag-one year-old ang kanyang anak bago siya nag-decide magtrabahong muli.

Naging mainstay si Eda ng sitcom, That's My Doc, topbilled by Aga Muhlach.

Source: People's Tonight