Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Maja, 'Di pinagsawaan ni Carlo!

Maja, 'Di pinagsawaan ni Carlo!

Author: Dondon Sermino

KUNG itsura ang pagbabasehan, parang mahirap paniwalaan na ang isang maliit, hindi macho at maamo ang mukha, na si Carlo Aquino, ay magagawang mang-rape sa harap ng kamera.

Pero, ang tatahi-tahimik na si Carlo pala ang maituturing na na­ngungunang rapist sa TV ngayon.

Una nga niyang ni-rape si Valerie Concepcion (na mas mala­king bulas kesa sa kanya) at kasunod si Isabel Oli (na mas mature at mas matangkad din sa kanya, ha!), sa Sine Novela ng GMA 7, ang Maging Akin Ka Lamang.

“Sa sobrang pagmamahal ko kay Rosita (pangalan ng karakter ni Isabel Oli), ni-rape ko siya. Nagalit kasi ako sa kanya, dahil pakiramdam ko ay ginagamit lang niya ako,” kuwento ni Carlo tungkol sa papel niya sa Sine Novela.

At kung babasahin mo ang klase ng pagkakakuwento ni Carlo sa mga eksenang rape na ginagawa niya, tila nagi-enjoy ang binata, ha!
“Okey lang po,” nakangiting sagot niya.

Well, bago naman naging rapist si Carlo sa telebisyon, una na siyang naging biktima ng panggagahasa sa pelikula. Ginahasa nga siya ni Desiree del Valle sa pelikulang Tule noon ng Viva Films.

At para kay Carlo, kung ikukumpara ang naranasan niya na panri-rape kina Valerie at Isabel, sa panri-rape sa kanya ni Desiree sa Tule, mas masarap daw na siya na lang ang niri-rape.

“Siyempre, mas enjoy 'yung ako na lang ang nire-rape, kasi hindi naman ako lumalaban,” naka­ngiting sambit ni Carlo.

Samantala, bagamat marami na ang nakakapansin sa madalas na lambingan nila ni Maja Salvador, patuloy pa rin si Carlo sa pagtanggi sa relasyon nila.

“Wala pa kasi tala­gang aaminin, eh. Wala rin namang itatago.
“Hanggang ngayon, nanliligaw pa rin ako sa kanya. Hindi pa niya ako sinasagot.

“Pero, okey lang 'yon. Kasi, nakakalabas naman kami kung gusto naming lumabas. Kuntento naman ako sa kung ano ang nangyayari sa amin.

“Okey lang sa akin kahit hindi muna niya ako sagutin, kasi hindi naman ako naiinip, eh. Mas maganda rin 'yung sure na siya sa feelings niya sa akin kapag sinagot niya ako.”

Paano kung abutin pa ng tatlong taon bago siya sagutin ni Maja? Hindi ba siya magsasawa sa kahihintay kay Maja?

“Okey lang po 'yon. Pero baka maging friends na lang kami kung ganun katagal aabutin.”

Ngayon pa lang, sinasabi na agad ni Carlo na sa edad niya ngayon ay wala pa siyang balak na ma­ging tatay.

“Mahirap pong mapasubo. Mas maganda kung okey na 'yung career ko, na okey na 'yung finances ko, na kaya ko na ring buhayin ang magiging baby ko.

“Mahirap naman 'yung magutom 'yung baby dahil sa kapabayaan ko. At saka, medyo busy pa ako ngayon, lalo na at puro shows ang ginawa ng banda (Collide) ko.

“Trabaho na lang muna,” say na lang ni Carlo.

Source: Abante