Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Maja, Rayver away-bati

Author: Leo M. Bukas
Column: Footloose

BINUHAY muli ng ABS-CBN ang career ni Valerie Concepcion. Thanks to Wowowee dahil muling naging visible si Valerie at naipakita niyang may 'K' pala siyang mag-host.

Dahil din sa Wowowee dumami ang endorsement ni Valerie. One of which ay ang bago niyang ipinu-promote ngayon na pampapayat -- ang Slenda! Ito raw ang sikreto kung ba-kit nanatiling fit itong si Valerie, huh!

In fairness, dahil sa seksing katawan ni Valerie, marami talaga ang nag-iilusyon sa kanya. Kaya lang, sorry na lang silang lahat dahil wala pa ulit balak makipagrelas-yon ang actress-TV host.

Anyway, dahil din sa pagpasok niya sa ABS-CBN kaya napili siyang gumanap bilang leading lady ni Vhong Navarro sa pelikulang Supah Papalicious.

Bongga, di ba? Kaya naman very grateful si Valerie sa ABS-CBN at sa Wowowee dahil ito ang nagbukas ng mga bagong opportunity sa kanyang career.

* * *

Ang dating sweet na sweet na UD4 stars na sina Maja Salvador at Rayver Cruz ngayon ay parang aso't pusa na nag-aaway. Ang dahilan, sobrang kulit at grabe raw mang-alaska ni Rayver kay Maja.

Ganito rin daw ang mga eksena habang nagti-taping ang dalawa ng Your Song (na napapanood tuwing Linggo ng hapon sa ABS-CBN).

Sa istorya ng Your Song featuring Kapag Ako Ay Nagmahal, hinamon ni Jack (Rayver) si Andrea (Maja) na sumayaw ng hiphop at nagulat na lamang ang lahat na talagang mahusay din pala siya sa modern dance.

Pati ang choreographer ng grupong Dansynergy na si Belle ay napahanga nito kaya't inimbitahan niya si Andrea na sumama at sumayaw para sa kanilang grupo.

Ngunit may isang malaking problema dahil pinagpareha ng choreographer sina Maja at Rayver. Paano sila ngayon sasayaw, eh, hate nga nila ang isa't isa di ba?

Naku, abangan n'yo na lang what will happen sa new loveteam na 'to.

Anyway, kasama rin sa Your Song si Valeen Montenegro. Sa ilalim naman ito ng direksyon ni Jerome Chavez-Pobocan.

* * *

Ang pinakaaabangang dalawang reality shows ay malapit nang mapanood ulit.

Kaya naman sa ASAP '08, narito na ang pinaka-malaking kick off ng Pinoy Big Brother Teens Plus at ang Pinoy Dream Academy Season 2.

May special numbers din ang mga big winner at big dreamer na sina Kim Chiu at Yeng Constantino na kakanta ng dalawang hit songs kasama ang iba pang mga teen stars!

Magbibigay din ng Dream Big sticker at T-shirt para sa mga lucky fans na pupunta sa tapat ng Bahay ni Kuya.

Sa ASAP '08 din magsi-celebrate ng kanyang birthday si Gretchen Barretto. Naku, maging equally controversial kaya ito katulad ng huli niyang guesting sa Entertainment Live?

Source: Taliba