Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Maja Salvador, bigo kay Kim Bum!

Maja Salvador, bigo kay Kim Bum!

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

Nandito sa bansa ngayon si Kim Bum, ang isa sa mga bida sa katatapos lang na Koreanovela na Boys Over Flowers, na ipinalabas sa ABS CBN.

Nagpunta sa Pilipinas si Kim Bum dahil dito isu-shoot ang TV commercial ng soft drinks na RC Cola, kasama ang masuwerteng young actress na si Maja Salvador.

Nabalitaan namin na ang Korean aktor na gumanap bilang Gu Jun Pyo ang original choice para makasama ni Maja sa commercial na `yon. 'Yun nga lang, ibang brand pala ng soft drinks ang ini-endorse ni Pyo, kaya hindi siya natuloy.

Pero siyempre, happy na rin si Maja kay Kim, dahil guwapo rin talaga ito, at may sariling following. Pero, mabibigo raw si Maja na paibigin si Kim, dahil ang chika ngang nasagap namin, siya talaga ang boyfriend ng bidang babae sa Boys Over Flowers!
***

Ayaw ring patalbog ng GMA artists sa Kapamil­ya stars pagdating sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy.

Bukod kina Richard Gutierrez at Cristine Reyes na namigay ng goods last Monday, sina Dingdong Dantes at Marian Rivera naman ay magkatuwang na namahagi ng relief goods sa Cainta, Rizal.

Nagtayo pa si Dong ng Tindig Pinoy Laban Kay Ondoy relief center sa Bgy. Manggahan sa Pasig City ka­tulong ang Philippine Marines 3rd technical service battalion, Pasig NGO's at staff at volunteers ng Yes Pinoy Foundation at kaibigang stars na sina Dennis Trillo, Gabby Eigenmann, John Feir at Antonio Aquitania.

Si Katrina Halili naman, dumayo sa Marikina upang mamigay ng goods at damit. Nakasked din siyang mag-share sa mga taga-Taytay. May sarili ring lakad sina Francine Prieto at Chynna Ortaleza bukod sa donasyon nila sa GMA Kapuso Foundation.

Sina Carla Abellana at Geoff Eigenmann, namigay through Red Cross-Alabang. Ilan pa sa GMA stars na tumulong sa Ondoy victims ay sina JC de Vera, Bubbles Paraiso, Mark Herras, Rainier Castillo, Yasmien Kurdi at Alfred Vargas.

Source: Abante