Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Maja Salvador laging 'ibinibitin' si Carlo Aquino

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

TUWING makaraan ang isang buwan lang kung magkita sina Maja Salvador at Carlo Aquino.

Kaya bitin si Carlo sa pakipagniig sa dalaga na balitang nililiyag niya. Masidhi ang panliligaw ni Carlo sa dalaga kaya kahit text at call ay puwede na rin daw, basta, may communication sila.

Inamin ni Maja sa presscon ng Villa Estrella na talagang nagdi-date sila ni Carlo, tuwing after one month nga lang daw, dahil pareho silang busy sa trabaho.

Ani Maja: "Hanggang text at phone call na lang kami after na-ming magkita. Super-busy si Carlo. Ako rin ay grabeng busy rin. Bihira talaga kaming magkaroon ng time para magkita. "

Katunayan nang nagpresscon ang Villa Estrella ay nagmamadali si-yang nagpaalam sa press people dahil may perso-nal appearance pa si-yang pupuntahan sa Pam- panga.

Ipinagtapat din ni Maja na wala siyang hilig sa foreign horror movies.

Ang pinapanood lang daw niyang pelikulang horror ay produced ng Star Cinema.

* * *

KAHIT friends na sina Snooky Serna at Ricardo Cepeda, hindi na 'care' ni Snooky kung anuman ang nangyayari sa araw-araw sa dating asawa at ama ng kanyang dalawang anak.

Katwiran ni Snooky, sa party na ibinigay niya sa press para sa pagkapanalo ng Best Supporting Actress sa PMPC pa-ra sa movie titled Paupahan, may sari-sariling buhay na silang mag-asawa dahil annulled na ang kasal nila. Puwede na raw mag-asawa si Ri-cardo anytime na gustuhin nito.

Balitang may bagong girlfriend na si Ricardo at malapit na silang mag-pakasal.

* * *

ISA sa punong abala si Sen. Bong Revilla sa ce-lebration ng Independence Day sa Kawit, Ca-vite last June 12.

Talagang kapag sa mga ganitong okasyon ay ipinagdiriwang ni Sen. Bong ang pagiging Ca-viteño niya. Kasi, bukod sa pagiging taal na Ca-viteño, marami siyang proyektong isinusulong para sa ikauunlad ng Cavite.

Samantala, makatindig-balahibo ang Kap's Amazing Stories nga-yong dahil ibang kuwento tungkol sa mga patay ang ilalahad ni Sen. Bong. Ikukuwento niya ang tungkol sa mummies, o mga bangkay na libong taon na ay hindi naaagnas.

* * *

TOTOO palang ingat na ingat si Chris Cayzer kay Lovi Poe kapag kapartner niya ang dalaga sa concerts.

Kasi, nga'y friends sila ni Jolo Revilla. Ayaw niyang may masabi sa kanya si Jolo na alam ni-yang love na love si Lovi.

Pero, sa Dear Friend na mapapanood nga-yong Sunday sa Bakas-yonista episode ka-partner si Ryza Cenon, ay bi-gay-hilig siya sa lambi-ngan nila ng young actress. Na-develop ang friendship nina Ryza at Chris sa set ng Bakasyo-nista. Kaya 'pag nagkikita sila sa SOP tuwing Sunday ay super-tsika silang dalawa lagi.

Sabi ni Chris, 'di raw niya makalilimutan ang lips ni Ryza na lasang strawberry nang magkaroon sila ng kissing scene sa Bakasyonista.

* * *

ABANGAN, ngayong Sunday sa SOP ang pagpapakilala sa Top 16 ng The Next Big Star ng GMA7.

Star studded ang SOP ngayon dahil ise-celeb-rate dito ang 59th anniversary ng Kapuso Network bilang oldest at biggest network ngayon sa bansa.

Source: Taliba