| | Maja Salvador praises Carlo Aquino for his efforts in pursuing her Author: Bernie Franco Mukhang blooming ang young actress na si Maja Salvador nang mag-guest sa The Buzz kahapon (Hunyo 14) at tinutukso kung ang aktor na si Carlo Aquino ang dahilan kung bakit gumaganda ngayon ang aktres. "Siya 'yung hindi nagsasawa...'yung laging nandyan para sa akin," pag-amin ni Maja na sinabi sa naunang interview na laging bumibisita sa bahay ang binata, laging nagti-text at laging tumatawag. "Iba 'yung effort kasi ng tao," dagdag pa ng aktres.
Kuwento pa ng aktres, dati na umanong nagpaparamdam sa kanya si Carlo subalit biglang nawala ang komunikasyon nila noong nakaraang taon at bigla lamang nagkaroon ng komunikasyon muli ngayong 2009. Nang tanungin naman siya ni Ruffa Gutierrez kung may pag-asa ba si Carlo sa kanya, naging bitin ang sagot ni Maja. "Tingnan natin," aniya.
Samantala, sinabi naman niya na ang pagiging blooming niya ay dahil siguro sa pagiging ganap na niyang dalaga at ibinahaging sumusubok siya ng iba-ibang look. "Ayoko lang kasi na magsawa 'yung mga tao. Baka pare-parehas lang 'yung image ko, so kahit paano iniba-iba ko po. Meron 'yung sweet lang ako minsan manamit, meron naman minsan seksi," aniya.
Samantala, sinabi ni Maja na gaya ng co-star niyang si Shaina Magdayao sa pelikulang Villa Estrella, nagkaroon umano rin siya ng mga kakaibang nararamdaman nang ginagawa ang pelikula. Wala naman umano siyang nakikita subalit nagkakaramdam umano siya na tila minsan ay may nagmamasid sa kanya at kinikilabutan.
Bukod kay Shaina, makakasama rin ni Maja si Jake Cuenca at Geoff Eigenmann sa pelikula na ipalalabas na sa Hulyo 1 at handog ng Star Cinema. Source: ABS-CBN Interactive |
|