|
|
| Maja and Geoff paired together in MMK![]() Author: Philippine Entertainment Portal In anticipation sa tambalan nila bilang mga bida sa kanilang upcoming teleserye na Moon River, mapapanood muna sina Maja Salvador at Geoff Eigenman sa drama anthology show ng ABS-CBN. Papatunayan ng dalawan na karapat-dapat nga silang bigyan ng big break sa pamamagitan ng kanilang pagganap sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado ng gabi. Matuturing na showbiz royalties ang dalawang aktor na ito dahil namana nila ang kanilang acting skills sa kanyang multi-awarded parents, Gina Alajar and Michael de Mesa (for Geoff) and ang kanyang Tito Phillip Salvador (for Maja). Masasabing acting showdown din ang magaganap sa nasabing episode dahil si Desiree del Valle ang gaganap bilang "other woman" ng karakter ni Geoff. Mature na ang roles ng dalawa sa nasabing episode, kung saan gaganap na isang palikerong lalaking si Geoff na na-in love sa isang kagalang-galang at matinong babae na si Maja. Ang November 15 episode ay ididirehe ni Henry Quitain sa kanyang first big break as a director. Si Henry ang headwriter ng Fil-Malaysian co-production na Kahit Isang Saglit starring Jericho Rosales and Carmen Soo. Abangan ang episode na ito ngayong Sabado, November 15, sa drama anthology ng ABS-CBN. Ang host ng Maalaala Mo Kaya ay si Charo Santos-Concio.
Source: Philippine Entertainment Portal |