|
|
| Maja binigyan ng P10-M mansiyon ng rich suitorAuthor: Gerry Ocampo Ikinagulat ng kampo ni Manny Pacquiao ang tsikang hindi pinapasok si Nonito Donaire sa dres-sing room ni Pacman nang mag-guest ito sa Show Me Da Manny. Ayon pa sa tsika, ayaw daw ipagamit ni Pacman ang dressing room kay Donito kaya nagkasya na lang ito na magbihis sa kanyang kotse. Nang makarating kay Donaire ang naturang intriga ay agad naman nitong nilinaw na walang katotohanan na off limits siya dressing room ng Pambansang Kamao. Depensa ni Donito, nang dumating siya sa taping ng sitcom ay wala pa si Manny kaya siya na raw mismo ang nagkusang huwag nang pumasok sa dressing room ng Pambansang Kamao bilang respeto sa boxing champ. In fairness kay Pacman. nang malaman nitong sa kotse raw nagbihis si Donito ay agad nitong inalam bakit hindi sa dressing room pinagbihis si Donaire. Kilala naman natin si Manny na basta kakilala niya, lalo na katulad ni-yang boxing champ, ay hindi puwedeng hindi niya papasukin sa kanyang dressing room. Hindi kaya may gusto lang gumawa ng intriga sa dalawang boksingero? Anyway, naging memorable sa dalawang boxing champs ang pagsasama sa Show Me Da Manny. Hindi rin nagpahuli kay Manny si Nonito sa pagpapatawa at pareho rin silang music lover at matulungin sa kapwa kaya pinapapala ng Panginoon. Malaki ang kumpiyansa ni Nonito na mananalo si Manny sa laban nito kay Miguel Cotto sa Las Vegas sa Nov. 14 . * * * Hindi raw nagustuhan ni Lea Salonga ang ipinagmamalaki ni Ai Ai delas Alas na makaka-back to back niya ito sa isang concert sa PICC sa December. Pagdidiin pa ni Lea, guest lang daw niya si Ai Ai at hindi ka-back-to back. Ganoon? Well, nang makausap namin si Imelda Papin sa isang resto sa Timog ay si-nabi ng Sentimental Diva na mas sikat at kinikilala sa Amerika si Charice Pempengco kaysa kay Lea. Kung sa Pilipinas ay hindi ga-anong sikat si Charice, sa Tate ay isa itong superstar na matatawag dahil na sa tulong ng TV host na si Oprah. Anyway, pinag-hahandaan na ni Lea ang benefit concert entitled Echoes of Dreams sa Ara-neta Coliseum sa Nov. 30 Kaya hindi na dapat magdamdam si Ai Ai kung ayaw aminin ni Lea na siya ay magiging ka-back-to-back nito sa concert, dahil hindi naman kasing sikat ni Lea si Charice sa Estados Unidos, huh! * * * Nagkaroon ng pagka-kataon ang anak na dalaga ni Mark Gil na si Maxine Eigenmann na linawin ang tunay na relasyon nila ni Dennis Trillo. Kasama kasi ni Dennis si Maxine sa Boracay nang maganap ang isang aksidente na ikinasawi ng kaibigan ng aktor. Marami tuloy lumabas na espekulasyon na hindi si Pauleen Luna ang girl na "itinatago" ni Dennis. Sa interview ni Pia Gua-nio kay Maxine sa Showbiz Central, itinanggi nitong mayroon silang relasyon ni Dennis. Nagkita lang daw sila ni Dennis sa Bora dahil pareho silang naimbitahan sa isang event doon. Si Maxine ang naging host habang si Dennis ang celebrity guest sa naturang event. Depensa ni Maxine, nauna siyang dumating sa Boracay at kinabukasan pa dumating ang grupo ni Dennis. Kaya walang relasyon sina Dennis at Maxine at lalong wala itong kinalaman sa naudlot na pag-iibigan nina Dennis at Pauleen. * * * Tama lang ang katwiran ni Maja Salvador na mas unahin ang bumubonggang career kaysa makipag-boyfriend. Yes, nakapagpatayo na ng mansion si Maja worth P10 million at agad ikinatwiran na hindi ito ga-ling sa manliligaw na ma-yamang politiko. "Hindi naman po mansion. Hinuhulugan ko pa po ang bahay na ipinatayo. Nag-downpayment lang po ako at kailangan kong kumayod para mabayaran ang bahay," katwiran ni Maja. Thankful siya sa Dos dahil binibigyan siya ng projects at may endorsement pa. Kung wala raw siyang projects ay paano niya mababayaran ang bahay? Kaya kayod-to-death ang dalaga para matupad ang pangarap na magkaroon ng sariling bahay. Saka na muna ang love kasi bata pa naman siya at sagabal ito sa kanyang mga pangarap sa buhay. Pero hanggang kailan ma-iiwasan ni Maja ang hindi magmahal, lalo pa ngayon sangkatutak ang kanyang manliligaw? Source: Taliba |