Mar 20
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Maja hindi kailangang lumandi sa lalaki

Maja hindi kailangang lumandi sa lalaki

Author: Pacita A. Ramos
Column: Taray

Silent worker ngang matatawag ang 19-year-old na si Maja Salvador. Tahimik na tahimik nga ang kanyang kapaligiran ngayon. Walang intriga o tsismis na manggugulat sa kanya.

Tulad na lamang nu'ng nabalitang "nilalandi" raw niya si Jon Avila. Mahiya nga siya, sasabihin siguro ng alaga ko.

Pero, ako na lang ang gumawa para sa kanya. Kasi nga, kailangan ba naman ni Maja na lumandi pa, eh, siya nga itong pi-nupupog ng mga manliligaw.

At kailangan din ba niya ang isang Jon Avila para sa kanyang career. Come on? Sino ba ang may kailangan kanino?

Higit kaysa mga Jon o Chad Peralta na 'yan, mas napapangiti si Maja sa nangyayari sa kanyang career.

Ang long awaited Moonriver teleserye niya ay nag-story conference na. Ganu'n din ang horror movie niya with Shaina Magdayao and Jake Cuenca. May 10 cities din siyang concert tour together with her new "crush" Gabby Concepcion and siyempre naman, Dennis Trillo too. Mahilig siya sa magagaling umarte o may likas na talent sa pag-arte (take note, Jon and Chad). At parang kulang pa, kaya't sabihin na rin na-ting, may U. S. tour pa siya sa October (possibly Oct. 24 and 25) sa U. S. , siyempre, with good , friend John Ling.

Makakasama niya rito ang isa pang idol niya (astig din sa pag-arte, huh!) si John Lloyd Cruz, Rafael Rosell at Anne Curtiz.

Maja is really the "next big thing" to happen in the Kapamilya station!

* * *

Kinilabutan ang inyong lingkod nang marinig ang theme song ng Iisa Pa Lamang.

Umalingaw-ngaw ba naman ito habang may napakagandang eksena sina Claudine Barretto at Gabby noong Miyerkules.

Hindi nakatiis ang inyong lingkod. Tinext ko si Gabby at tinanong kung siya ba talaga ang kumantang no'n. Napakaganda at napaka-madamdamin, ikako.

"Salamat, mare. Ako nga!" sagot niya na nanonood din pala nang mga sandaling iyon.

Hindi maiwasang maalala ko ang katatapos na presscon ni Sharon Cuneta. Maganda na ikako ang mga sinasabi sa kanya ng mommy ni KC.

Hindi kumibo si Gabby. Narinig ko lang ang buntong-hininga.

Hindi man niya sabihin, nakahinga na siya nang maluwag.

Mas natuwa siya nang sabihin kong sangkatutak na ang nag-i-email sa inyong lingkod. Nangangakong manonood sila ng Megathirty concert ni Shawie sa Aug. 8 dahil sa paha-yag na iyon.

Hindi lamang daw solid Gabby fans ang manonood kungdi ang mga Gabby-Sharon fans din dahil idinugtong din ni Shawie na "Fans din ako ng Sharon-Gabby" fans.

Labis-labis na pinaligaya ni Shawie ang kanilang fans ni Gabby, I tell you. Kaya, megahit na ring matatwag ngayon pa lang ang concert ni Shawie.

Time for celebration!

Source: Taliba