|
|
| Maja mapapalaban kina Coco at JasonAuthor: Ambet Nabus ISA sa mga paborito namin ang Hilda Koronel movie na may titulong Nagsimula sa Puso. Si Richard Gomez no-on ang kapareha niya. Sa TV version nito na si-yempre ay may mga bagong twists, si Maja Salvador ang bida at si Coco Martin ang gaganap ng role noon ni Go-ma. Base sa nakikita namin sa trailer, walang dudang magaling na aktres si Maja. Hindi pa man niya naaabot ang galing ni Hilda, she has almost everything to make it. Kung magtatagumpay dito si Maja, may passport na siya na ihanay sa primetime soap queens ng ABS-CBN. But she will be needing support from her co-stars. Isa si Coco sa young actors na mahuhusay nga-yon. Hindi pa man naipapalabas ang soap nila ay may balita nang nagdi-date sila't vocal sa pagsasabing may atraksyon sila sa isa't isa. Nandiyan din ang isa pang magaling na aktor na si Jason Abalos na in fairness din ay deserving maging bigger star. Noon pa man ay si-nasabi na niya ang kanyang paghanga kay Maja. Malaki ang tiwala ng lahat na mairaraos ito ni Maja. Ang tanong nga lang na mas dapat niyang paghandaan ay kung kaya niya itong i-handle na hindi siya nao-over-whelmed at nagiging pasa-way sa iba. * * * KUNG sumikat bilang si Mr. Kiss Boy ng Family Feud si Richard Gomez, ay hindi pa-la siya ang orig na gumagawa nito kundi si kapatid na Tirso Cruz lll o si Pipo. Hindi naman imposible lalo pa during heydays, ta-laga namang aambisyunin ninuman ang mahalikan ni Pipo. Legit matinee idol si Pipo noong araw kaya ilus-yon nang marami ang mahalikan sila nito. Iyan at anik-anik pang tsika sa pagkakaibigan nila nina Mark Gil, Bembol Roco at Rez Cortez ang pag-uusapan sa Full Time Moms nina Suzi Entrata Abrera at Christine Jacob-Sandejas ngayong Huwebes. Napapanuod sa Q11, every 7:30 p. m. daily ang Full Time Moms at dahil variety ito, mismong papable dads ang nagbubu-king sa mga sarili nila. Ipapakita ang pagiging makulit ng grupong GUTS (ewan namin kung lakas ba ito ng loob o ano?) nina Bembol, Mark at Rez, tiyak daw na lalabas ang minsan pang "pagiging mga binatang ta-ring" nila. Malalaman kaya natin kung sinu-sino pa ang mga Mr. Kiss Boy noong araw? Kuwela ang Full Time Moms dahil nagagawa ng guests dito na bumalik sa pagkabata (sorry mga ka-patid na Pipo, Bembol, Mark at Rez) sa rami ng pambagets nilang games. Source: Taliba |