|
|
| Maja mas close kay JasonAuthor: Chan-Chan Torres NAGSIMULA nang mapanood ang Nagsimula sa Puso, ang teleseryeng pinagbibidahan ni Maja Salvador sa Dos. Kumbaga, after six years of waiting, ito ang masasa-bing biggest break na hinihintay ni Maja. Bagaman maraming na-ging projects si Maja sa Dos, dito ay matatawag na siya ang bida. Since remake ito ng pelikula ng magaling na aktres na si Hilda Koronel, alam ni Maja na malaki ang expectations sa kanya dahil siya ang gaganap sa role ni Hilda. Si Jason ang gaganap sa role noon ni Jay Ilagan habang si Coco Martin ay role ni Richard Gomez ang ga-gampanan. Sa presscon ng teleserye ay sinabi ni Maja na sob-rang happy siya nang malamang siya ang bida sa Nagsimula sa Puso. "Para sa akin, ang mapabilang sa ganito kalaking cast ay isang malaking kara-ngalan," aniya. Ilan sa dekalidad na aktor na kasama ni Maja sa teleserye ay sina Jacklyn Jose, Laurice Guillen at Ronnie Lazaro. Binubuo ito ng powerhouse cast at marami ang nag-aakalang sa primetime ito mapapanood kaya may ilang nagtatanong kung bakit panghapon ito? "Bakit naman hindi? Pinapaganda namin ang kahit anong shows ng Dos kahit sa panghapon pa ito ilagay. Wala po sa amin 'yung porke't powerhouse cast eh, pang-prime time na," depensa naman ng isa sa production staff ng Nagsimula sa Puso. Kapansin-pansin din ang pagiging daring dito ni Maja, huh. Seksi at talagang willing na siyang su-mabak sa mature roles. "It's about time na ma-ging daring na rin ako. Saka nanood din po ako ng ibang foreign movies na alam kong makakatulong sa akin," say pa ni Maja. Supportive naman daw si Jason sa kanya, pero iginiit ng dalaga na walang romantic something sa kanilang dalawa. Sa sobrang close nga niya kay Jason, lahat ay nasasabi at nagagawa nila nang walang ilangan. Kahit nakakasakit na ay vocal sila sa isa't isa dahil mas magaan ang kanilang pakiramdam. May maiinit na love scenes sina Maja at Jason dito dahil mag-asawa ang role nila. Eh, paano si Coco na nali-link sa kanya at balitang approve naman sa ma-nager ni Maja? "Kaibigan ko lang si Coco. Okay kami, pero siyempre iba talaga 'yung sa amin ni Jason," say ni Maja. Kaya ngayon pa lang ay kaabang-abang na ang love triangle nina Jason, Maja at Coco sa Nagsimula sa Puso, mula Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN. * * * TAGUMPAY ang pagsalubong ng mga Caviteño sa pa-concert doon ni Wo-wowee host Willie Revillame and Sen. Manny Villar last October 11. Nag-enjoy ang lahat kesehodang siksikan. Marami nga raw ang hi-nimatay sa audience at sa mga nakapila kaya kung iisipin ay ganoon katindi ang clamor ng tao makita lang si Willie. Ilang araw kaming nasa Bacolod City at walang bukambibig ang mga taga-roon kundi ang show ni Wil-lie. Hanggang doon ay may mga nagtatanong din kung balak bang tumakbo sa 2010 elections si Willie. Well, up to this day ay ngiti lang ang laging sagot ni Willie kapag ito ang tanong sa kanya. Tila hindi pa handa si Willie na pag-usapan ang plano niya sa 2010 at malalaman natin ang kanyang kasagutan, in due time. Samantala, patuloy pa rin sa pagtulong si Willie sa mga nabiktima ng Ondoy at Pepeng. Pati nga ang pagdo-donate niya ng P1 milyon sa Sagip Kapamilya ay ini-intriga pa. Sabi nga ni Willie, imbes mang-intriga tumulong na lang para mas maging maa-yos ang buhay ng mga taong biktima ng kalamidad. Dapat ding abangan ang Wowowillie sa Bacolod at Cebu sa mga susunod na araw. Source: Taliba |