Feb 10
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Maja, 'nasarapan' kay Geoff!

Maja, 'nasarapan' kay Geoff!

Author: Abante

PATIKIM nina Maja Salvador at Geoff Eigenmann ang pagtatambal nila sa Maalaala Mo Kaya sa Sabado. At kapagkuwan, isusunod na agad ang teleserye na pagsasamahan nila sa ABS-CBN, ang Moon River.

Sa MMK, mature na ang roles nila. Isang babaero si Geoff, na na-inlove sa isang matinong babae, ang role ni Maja.

Parehong mula sa pamilya ng showbiz sina Maja at Geoff, kaya sabi-sabing bagay na bagay sila.

Si Geoff ay anak nina Gina Alajar at Michael de Mesa, at tito naman ni Maja si Phillip Salvador.

Sabi ni Maja, wala raw siyang lovelife ngayon.

“Wala talaga akong lovelife. Trabaho lang. Puro trabaho lang talaga ang gusto kong gawin, atsaka na ang lovelife-lovelife!” sabi ni Maja.

Wala ring girlfriend si Geoff ngayon, kaya puwedeng-puwede silang dalawa.

Paano kung manligaw sa kanya si Geoff?

“Tingnan na lang na­tin. Ayokong sabihin na hindi magiging kami dahil paano, kung hindi pala ganoon ang mangyari?

“Basta kami ni Geoff, okey kaming dalawa. At saka, mabait kasi si Geoff, masarap katrabaho, napaka­propesyunal at maalaga rin siya sa amin.

“So, mahirap sagutin `yan. Ayokong magsalita ng patapos!”

Ano naman ang masasabi niya na nanliligaw na ang ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino kay Ro­xanne Guinoo?

“Matagal na kaming walang communication. Masaya ako para sa kanya, kung saan siya masaya,” say lang ni Maja.

Siyanga pala, si Henry Quitain ang director ng MMK episode nina Maja at Geoff.

Source: Abante