Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Maja, tinaningan si Carlo Aquino!

Author: Rey Pumaloy

HANGGANG katapusan ng 2009 ang ibinigay na taning ni Maja Salvador sa panliligaw sa kanya ni Carlo Aquino. Bago matapos ang 2009 ay magdidesisyon na raw siya kung tatanggapin na ba niya ang pag-ibig ni Carlo o hindi?

May isang taon na ring nanliligaw si Carlo kay Maja

.
Sa kuwento ni Maja, tuluy-tuloy pa rin si Carlo sa panliligaw sa kanya. Madalas pa rin daw itong dumalaw sa bahay nila, at madalas pa ring mag-text sa kanya.

Medyo, nagulo lang daw ang schedule ng pagdalaw ni Carlo nitong nakaraang buwan, dahil magkasalungat na ang kanilang schedules.

Si Carlo raw ay nagti-taping ng Monday, Wednesday at Friday,

samantalang si Maja ay nagti-taping ng Tuesday, Thursday at Saturday, at kasabay pa nito ang syuting ng movie nila nina Shaina Magdayao, Geoff Eigenmann at Jake Cuenca, ang Villa Estrella, ng Star Cinema.

Sabi nga ni Maja, isang buwan na silang hindi nagkikita ni Carlo, kaya sa text lang daw muna sila nagkakausap.

Iginiit ni Maja na wala pa silang relasyon ni Carlo, na taliwas sa hinala ng mga taong nakakakita sa kanila. Pero, itinuturing daw ni Maja na si Carlo ang pinakamalapit na lalaki sa kanya sa ngayon. Inamin ni Maja na close si Carlo sa pamil­ya niya, dahil nag-effort daw talaga ito para maging malapit sa kanyang pa­milya.

Sabi ni Maja, may blessing na ng kanyang pamilya na magka-boyfriend siya. Pero, siya raw mismo ay parang hindi pa sigurado kung gusto na niyang magka-boyfriend ngayon.

“Minsan kasi tino­topak ako na nagdi­desisyon ako sa sarili ko na gusto ko na munang mag-concentrate sa career ko. Kahit nandoon na 'yung communication, 'yung kilig-kilig, 'pag tinopak ako na ayaw ko muna, mawawala talaga 'yung communication,” sabi ni Maja.

Pero, sa ngayon nga raw ay okey pa rin sila ni Carlo. Kaya wala raw dapat ipag-alala si Carlo sa sitwasyon nito.

Ayaw sabihin ni Maja kung may pag-asa sa kanya si Carlo. Malalaman daw `yon ng lahat bago matapos ang 2009.

Source: Abante