Apr 20
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Major film producer nag-schedule na ng 'Daybreak' premiere sa Amerika

Major film producer nag-schedule na ng 'Daybreak' premiere sa Amerika

Author: People's Taliba

MEET and greet IndieSine's box -office king, Coco Martin, at the Robinson's Place Ermita Cinema Lobby ngayong gabi (7 p. m. ).

Sa pakikipagtagpo sa kanyang fans, kasama ni Coco, si Paolo Rivero, isa sa lead actors sa Daybreak, the most critically and commercially successful gay film shown in IndieSine in 2008 so far!

Hawak na ngayon ng Daybreak ang record bilang biggest opening-day gross of the Galleria IndieSine.

In fact, nagkaroon pa nga ito ng extended run bago ang opening day nito Robinson's Place Ermita.

Nakakuha ang Daybreak ng unanimous R18 approval without cuts mula sa MTRCB reviewers na mga nagsabi rin na ang pelikula "boasts of an outstanding cinematography and acting by lead actors Coco Martin & Paolo Rivero. "

Ang magandang reviews ng mga kritiko ay nagpapatunay na lang na ang sex scenes sa pelikula ay ginawa "in good taste and the tota-lity of the film shows great sensitivity and responsibility on the part of the director, the producers and the staff who really toiled and worked hard for the project. "

Ngayon pa nga lang , ang film distributors mula sa North America at France ay nagpapasabi na ng kagustuhang mabili ang film. At isang major producer ang nag-schedule na para U. S. premiere for the movie.

Daybreak is produced by Noel Ferrer for Bicycle Pictures at sa direksyon ni Adolf Alix Jr.

Source: Taliba