Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Makisig, balak pakasalan si Kathryn

Author: Nel Alejandrino
Column: Tattle

CONTRARY to earlier report, si Maikisig Morales pa rin ang gaganap bilang anak ni Sharon Cuneta sa Caregiver, which will be partly filmed in London.

Ayon pa nga sa produktong ito ng reality show na Little Big Star, nakatakda silang umalis for London on April 2.

Ang Caregiver director na si Chito Roño naman is scheduled to leave March 22 para sa set-up.

Nakausap namin si Makisig sa presscon ng first movie niyang Supah Papalicious with Vhong Navarro.

The boy (he's 11) was in his element that night and for a good reason. Hindi nga naman lahat ng batang actor na tulad niya ay gumagawa ng dalawang movies na halos magkasabay.

Most recently, Globe Asiatique gave Makisig and his family a two-storey townhouse in San Mateo, Rizal.

"Talagang taga-rito kami sa San Mateo," anang father ni Makisig na si Jong. "Sa bayang ito ipinanganak ang lahat ng aming mga anak. Tahimik dito. "

Sina Makisig ay pitong magkakapatid (with another one coming soon, buntis ang mother ni Makisig na si Jackie). Sumunod siya sa kanyang Ate Mayumi, who is 12, na ang sinundan naman ay ang panganay nilang si Vincent, 13.

Even if Makisig can demand for his own room sa bagong bahay, 'di niya ito kailanman naisip. Kuntento siyang maka-share sa kuwarto ang mga kapatid na lalaki. Love na love raw niya ang mga ito.

Sa edad niya, nagpapakarga pa rin si Makisig sa ama, who enjoys doing it.
"Wala akong pagbabagong nakikita sa anak ko, kahit pa halos siya na ngayon ang puwedeng ituring na breadwinner ng pamilya," sabi ni Jong. "Likas na mabait si Makisig tulad ng iba pa niyang kapatid.

Jong and Jackie are making sure na kahit busy si Makisig sa showbiz career, naipagpapatuloy pa rin nito ang pag-aaral. Makisig is in fifth grade sa La Coletta Academy, located just a stone's throw away from their new house.
* * *
While filming Supah Papalicious, nagkaroon daw sila nina Vhong Navarro at Empoy Enriquez (the other comedian in the movie) ng kakaibang bonding. Sobrang naging close raw siya sa dalawa.

"Sila ang mga paborito kong komedyante," ani pa ni Makisig.

Also starring in Supah Papalicious are Valerie Concepcion, Pokwang, Mura, Baron Geisler and Kitkat.

"Anak po ako ni Ate Valerie at manliligaw niya si Kuya Vhong. Si Kuya Empoy naman, kabarkada ni Kuya Vhong," susog ni Makisig.

It will be a busy week for the child actor since he will help promote Supah Papalicious. They are scheduled to do mall shows starting today, March 8, at SM Marilao, 5 p. m.

Back-to-back naman ang gagawin nilang mall shows sa Sunday, dahil at 4 p. m. , nasa Sta. Lucia East sila, tapos at 6 p. m. , sa SM Bicutan naman.

Hindi ba siya napapagod? tanong namin kay Makisig. "Hindi po," ang maliksi niyang sagot. "Enjoy nga po ako. "

Naku, Ian F. , at his age, may matindi nang crush itong si Makisig. Guess kung sino ang object ng kanyang affection?

Well, si Kathryn Bernardo, ka-edad niya't kasama sa TV show na Goin' Bulilit.

"Si Kathryn lang ang tini-text niya," ani Jong. "'Di kasi 'yan mahilig mag-text. Ni ayaw ngang gumamit ng cellphone, eh. "

Of Kathryn, Makisig was once overheard as saying: "Pakakasalan ko 'yan. "

Naku, Makisig, kay bata-bata mo pa, huwag kang mangako at baka lang mapako.

Source: People's Tonight