Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Makisig, insecure sa bagong paborito sa Dos

Author: Vinia Vivar
Column: Hot 'n Spicy

HOT N' SPICY

TOTOO kaya ang nasagap naming balita na nai-insecure si Makisig Morales sa isa pang child actor na si Jairus Aquino?

Dati-rati kasi, si Makisig ang favorite child star sa ABS-CBN, pero simula nang pumasok si Jairus, tila naitsapuwera na siya dahil mas marami itong projects ngayon kesa sa kanya.

Katatapos lang ni Jairus ng Rounin at ngayo'y kasama pa sa Lastikman bilang batang Vhong Navarro.

Samantalang si Makisig, ang huli niyang regular program ay ang Super Inggo at ngayon lang ulit nasundan ng Super Inggo 1. 5 na sa Nobyemre pa ang airing.

Matatatandaang si Makisig ang nanalo sa Little Division noon ng Little Big Star ni Sarah Geronimo and there was a time na talagang bidang-bida siya sa network at sunud-sunod ang projects.

Well, sabi nga, weather-weather lang 'yan but then again, ang pinakaimportante pa rin sa lahat na hindi nababali ng panahon ay ang talent.

In this business, you have to have talent para magtagal and in fairness to Makisig, punung-pungo naman siya ng talento kaya hindi siya dapat ma-insecure.

* * *

DAHIL sa wholesome image at pagbibigay-halaga sa pag-aaral, ang teen star na si Sam Concepcion ang napili ng Department of Education bilang pinakabago nilang spokesperson.

Ginawa ang pagkilala sa katatapos lang na National Leadership Training for Student Government Officers sa Baguio City na dinaluhan ng halos 5,000 na kabataan.

"Malaki pong karangalan at reponsibilidad ang ibinigay sa akin ng DepEd," sabi ni Sam nang makausap namin sa presscon na ibinigay para sa kanya last Thursday sa Department of Education building sa Pasig.

Nangako si Sam na makaaasa ang lahat na ipararating niya sa mga kabataan na ang edukasyon ang susi sa pag-unlad.

Bago si Sam, nagsilbi ring DepEd spokesperson sina Rico Yan (RIP), Shaira Luna, Onemig Bondoc, Dingdong Dantes at iba pa.

Bilang pinakabagong DepEd spokesperson, makikiisa si Sam sa iba't ibang kampanya ng gobyerno para maipabatid sa lahat ang kahalagahan ng edukasyon tulad ng GoNegosyo caravan.

Pangungunahan din ni Sam ang isang national school tour, SAMa SAMa sa Eskwela, kung saan makakaharap niya ang halos 10 milyong kabataan sa buong bansa.

Katatapos lang ni Sam gampanan ang role na Troy Bolton sa matagumpay na pagtatanghal ng High School Musical sa bansa.

Kasalukuyan siyang napapanood sa Y Speak ng Studio 23 at busy din siya sa pagpu-promote ng debut album under Universal Records, kung saan ay kasama ang hit single na Even If.

Kasama rin si Sam sa filmfest movie ng Regal Films na Shake, Rattle and Roll at malapit na niya itong simulan.

Second movie na sana ito ni Sam sa naturang produksyon kung hindi lang na-edit-out ang mga eksena niya sa Mano Po 5 noong nakaraang taon.

Siya raw ang gumanap na teenager na Christian Bautista sa MP5 at nasa poster pa siya, pero nang matapos ang pelikula, hindi na kasama ang kanyang eksena na iilan lang naman daw.

* * *

SEVEN years old pa lang ang TV and commercial star na si Patricia Melinda Gayod, pero napatunganga kami sa katalinuhan ng bata, lalo na nang magsimula na siyang magsalita in different languages tulad ng Japanese, Spanish, French, German, Chinese, English, Tagalog at marami pang iba.

Lalo kaming humanga nang makita namin ang kanyang achievements dahil nalula kami sa rami.

At her young age, she is the reigning Little Miss Earth Philippines Air 2007 and during the pageant, na ginanap sa Las Vegas, Nevada, noong June, halos kinopo niya ang lahat ng special awards, tulad ng Ms. Photogenic, Darling of the Crowd, Best in National Costume, Most Colorful Costume and Most Original Costume.

Siya rin ang Philippine delegate sa International Cinderella Scholarship pageant na ginanap din sa Las Vegas, Nevada.

She was also recognized as Miniature Miss and received a special award as the International Most Creative Wardrobe.

Maging sa paaralang pinapasukan (Morning Star Montessori sa Laguna), katakut-takot na medalya na ang natanggap ni Patricia.

Dahil sa pagiging young achiever, hindi na nakaligtas si Patricia sa kaway ng showbiz.

Gusto raw niyang maging artista and in fact, nakalabas na siya sa TV shows na Lupin, Super Twins, Maalala Mo Kaya at Mahiwagang Baul.

Si Patricia ay isa sa talents ni Becky Aguila along with Angel Locsin, Jennylyn Mercado, Valerie Concepcion, Charee Pineda, Empress Schuck, Chubi del Rosario (the latest addition) at marami pang iba.

Source: People's Tonight