|
|
| Makisig, mistulang 'yaya' sa pressconColumn: Tattle SA unit ng kanyang girlfriend na si Liza Uy sa Astoria Plaza, a plush condo in Pasig City, reportedly nanggaling si John Lloyd Cruz bago tumungo sa RCBC Plaza where the Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI) Awards ceremony was held. No wonder, he was looking so gorgeous in his tuxedo. Liza is an assistant fashion editor of a glossy magazine. John Lloyd, together with Bea Alonzo, is the GMMSFI choice for the Box-Office King and Queen Award for the movie, One More Chance. John is currently doing the film which will launch Sarah Geronimo to full stardom. Abangan how their team-up will fare at the box-office, considering na well-associated si John Lloyd kay Bea. * * * Kapapanganak lang pala ng mommy ni Makisig Morales sa ninth child. Pangatlo si Makisig, who is 10, sa magkakapatid. Si Vincent, ang kanilang panganay, is 12 years old. Sumunod si Mayumi, 11. Naitanong ba niya sa tatay niya kung bakit pinangalanan siya nitong Makisig? "Opo," sagot ng batang aktor. "Sabi niya, kapapanganak ko pa lang, napansin na niyang matangos ang ilong ko. Kaya, nakikita na raw niyang lalaki akong guwapo. " Susog pa ng alam mong nagbibirong si Makisig: "'Di po siya (tatay niya) nagkamali, ano?" Mabait na kapatid itong si Makisig. Bago magsimula ang presscon for his movie, Caregiver, co-starring him with Sharon Cuneta and John Estrada, he was all over the venue running after little sister, Marikit. Ang two-year-old na Marikit naman ay sadyang nagpapahabol sa kapatid. "Kahit sa bahay, ganyan po ako," patuloy ni Makisig. "Tumutulong sa pag-aalaga sa mga nakababatang kapatid ko. Enjoy ako kapag nilalaro ko sila. " Their three-bedroom house in San Mateo, Rizal, is a gift from Globe Asiatique. According to Makisig's dad, tinanong niya ang anak if he would choose to have his own bedroom. Sagot daw nito: "Gusto kong kasama ang mga kapatid kong lalaki sa room. " Kaya, the three rooms are divided among the girls, Makisig and his brothers, and the master's bedroom, na occupied naman ng parents nila at tatlo pang maliliit na kapatid na pawang babae. * * * Sa Caregiver, Makisig plays a rebel child. Rebelde siya in the sense na feeling niya, 'di na siya mahal ng kanyang ina, an Internet bride, nang lumipat sila ng London. Pinakasalan kasi ang ina ni Makisig ng kanyang ka-chat sa Internet. Ang pagiging problem child niya ang magiging dahilan kung bakit magiging close siya kay Sharon, isang caregiver. Ayon kay Direk Chito Roño, challenging ngang talaga ang role ni Makisig sa pelikula. Happily daw, the child actor lived up to it. * * * Makisig is reunited with good friend Jairus Aquino in tonight's That's My Doc, topbilled by Aga Muhlach. Jairus is a mainstay of the sitcom, along with fellow child stars Celine Lim, Sophia Barrs and Bronson. Makisig and Jairus became good friends in the fantasy series, Super Inggo. Also in That's My Doc, now becoming a favorite panoorin ng bawat pamilya, are Bayani Agbayani, Roderick Paulate, Pokwang and Nova Villa. Source: People's Tonight |