|
|
| Makumbinsi kaya ni Gary V. si Angeli na kumanta sa concert?Column: That's Entertainment Lahat ng dumalong media sa presscon ng His Love concert ni Gary Valenciano na magaganap sa Music Museum sa May 22, 23, 29 at 30 ay nagkakaisa na since guests niya ang dalawang anak na sina Gab (Gabriel) at Paolo at baka makasama rin ang nag-iisa niyang babaeng anak na si Kiana, bakit hindi pa niya pakantahin din ang kanyang asawang si Angeli (Pangilinan) na dati ay bahagi ng popular na grupong Music and Magic? Bagaman at inaamin ni Gary V. na isang mahusay na singer si Angeli, sinabi nito na ang naiisip niyang partisipasyon nito sa kanyang konsyerto ay ang makasama niya itong kumanta sa isang recording, pero sa dami ng nagsa-suggest ay iniisip na rin niyang himukin itong mag-perform din, kahit tinalikuran na nito ang pagkanta simula nang makasal sila. Ang His Love ay una sa isang serye ng palabas na gagawin ni Gary V. bilang selebrasyon ng kanyang ika-25 taon sa showbiz. Pasasalamat din niya ito dahil matagal na panahon na siyang on top of his game. Ipinagdiriwang din niya ang 30 taon ng kanyang matagumpay na pakikibaka sa sakit na diabetes at pagiging poster child para sa Juvenile Diabetics. Sa concert, bibigyan niya ng interpretasyon ang ginawang areglo ng kanyang anak na si Gab ng Shout For Joy. Meron naman silang Beatles medley ni Paolo. Malayung-malayo na ang nararating ng aking kumpare sa kanyang pagkanta. Natatandaan ko * * * Tingnan mo nga naman kapag sinuwerte ang tao, sandali lamang at matitikman mo na ang tagumpay. Mag-aapat na taon pa lamang sa kanilang entertainment business ang magka-partner na Pocholo Malillin at Cris Nicolas, pero dinadayo na ang kanilang Club Mwah hindi lamang dahil sa kanilang napakagandang lugar kundi dahil sa napakaganda nilang palabas. Lahat ng nakapanood ng kanilang serye ng Bedazzled na ginampanan ng mga "showgirls" na tinatawag na Follies de Mwah ay pawang papuri ang naririnig. Mula sa pangulo ng bansa hanggang sa kaliit-liitang empleyado ng gobyerno ay binabalik-balikan ang kanilang lugar na paborito ko ring pagdausan ng mga concerts. Sa kanilang 4th anniversary sa May 29, isang bagong Bedazzled ang mapapanood. Bago ito, babasbasan din ang bagong bahay ng magka-partner sa * * * Tanggap na ni Senador Bong Revilla na mag-aasawa na ang kanyang batang anak na babae na si Inah. Umabot lamang ng dalawang linggo ang kanyang galit dito pero makalipas ito ay natanggap na rin niya ang sitwasyon. "Nakikita ko naman na hindi siya pababayaan ng kanyang mapapangasawa. Nagmamahalan silang dalawa. At bagaman at pareho pa silang kabataan, kakayanin nila ito. Tutulungan naman namin sila, kami at ang mga magiging balae namin ni Lani," pangangatwiran ni Bong sa pagsisimula ng Bong Revilla Cup, isang paliga sa basketball na ang mga maglalaro ay pawang mga mamamahayag na assigned sa iba-ibang mga beats. * * * Si Mark talaga ang masasabi kong pumunta ng impyerno pero matagumpay na nakabalik sa mundo ng mga buhay. Salamat sa Diyos, nakatulong ng malaki ang pagtutuwid niya ng kanyang buhay na nagsimula nang pakasalan niya ang ina ng kanyang anak. Mukhang do'n nagsimula ang swerte niya. Mabuhay ka Mark at ipagpatuloy mo pa ang maganda mong pagbabago! Source: The Philippine Star |