Apr 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

'Malibog' ni Cassandra Ponti, nakalusot sa matalas na gunting ng MTRCB?

'Malibog' ni Cassandra Ponti, nakalusot sa matalas na gunting ng MTRCB?

Author: Jojo Gabinete
Column: The Source

KASALI pala sa Pinoy Big Brother si Cassandra Ponti, ang sexy star na Cass ang ginamit na pangalan sa bagong reality TV show ng ABS-CBN. Si Cassandra ang nagbigkas ng salitang malibog sa Tuesday night episode ng Pinoy Big Brother.

Honey V. ang dating screen name ni Cassandra at ipinakilala siya sa isang sexy movie ng Starlight Films. Nagpalit ng screen name si Honey V. nang umalis siya sa bakuran ng Starlight Films. Pinili niya ang pangalan na Cassandra Ponti at kilala siya ngayon bilang Cass sa Pinoy Big Brother.

Nanganganib na mabigyan ng warning ng MTRCB ang Pinoy Big Brother dahil malinaw na narinig at napanood sa TV noong Martes ng gabi ang malaswang salita na binigkas ni Cass.

Inaasahan namin na magkakaroon ng hindi magandang reaksyon ang televiewers dahil nagtaka rin kami nang hindi i-edit ang sinabi ni Cassandra. Sa pagkakaalam namin, nire-review muna ng MTRCB ang bawat taped shows na ipinalalabas ng mga TV network. Bakit nakaligtas sa kanilang matalas na paningin at gunting ang particular episode ng Pinoy Big Brother?

As expected, nakatanggap kaagad kami ng e-mail of complaint mula sa mga reader ng Abante. Nagpahayag sila ng pag-aalala dahil sa topic ng mga contestant noong Martes. Pinag-usapan nila ang size ng kanilang mga private part at ang mga edad nang ma-devirginize sila.

Sa kanilang opinyon, hindi nababagay na mapanood ang nabanggit na show at uubra lamang ito sa Amerika at European countries na nakapagpapalabas ng mga sexy scene sa telebisyon.

Ang opisina ni MTRCB Chair Consoliza Laguardia ang gustong tawagan ng pansin ng mga concerned citizen. Ibinigay nilang halimbawa ang suspension na ipinataw ng ABS-CBN (ito ang rekomendasyon ng MTRCB) kay Willie Revillame nang magbiro ito noon kay Mahal tungkol sa virginity issue.

***

Ang ikatlong branch ng 22nd St. sa Cebu City ang inaasikaso ngayon ng magkapatid na Mon at Kai Confiado. Nagdesisyon ang magkapatid na magtayo ng 22nd St. sa Cebu City dahil nakita nila na malaki ang potensyal na magtagumpay ang kanilang negosyo sa nasabing lugar.

Siyam na taon na ang 22nd St. sa Marcos Highway, Antipolo City. Ipinagmamalaki ni Mon na binuhay ng kanilang music bar ang malayo at tahimik na area ng Marcos Highway.

Bukod sa kanilang music bar business, busy si Mon sa taping ng Ang Panday TV series na pinagbibidahan ni Jericho Rosales. Kasama rin siya sa cast ng Ako Legal Wife ng Regal Entertainment Inc.

Sa pagkakaalam ni Mon, umabot na sa 200 ang bilang ng mga pelikula na ginawa niya. Ang kanyang mga business at showbiz career ang pinagkakaabalahan ni Mon. Wala pa raw siyang serious relationship mula nang maghiwalay sila ni Ynez Veneracion.

Nabanggit ni Mon na mas madalas sa ibang bansa ang kanyang ex-girlfriend (Japan, Dubai). Sinabi raw ni Ynez na iiwan muna nito ang showbiz dahil gagawa muna siya ng pera.

Ayon kay Mon, may swimming pool at napakaganda ng bahay na ipinatayo ni Ynez.

***

Sa susunod na buwan pa ipalalabas ang anniversary episode ng Extra Challenge pero dapat itong abangan, ayon sa isang staff member ng programa. Dalawang milyong piso (cash at tax free) ang premyo kaya ginawa ng mga challenger ang lahat para sila ang manalo.

Lumabas daw ang pagka-amasona ng team nina Jackie Forster at Joanne Quintas dahil sa lakas na ipinakita nila. Hindi makapaniwala ang mga eyewitness na magaan para kay Jackie ang magbuhat ng isang sakong bigas.

Mas pinili raw ng magkapatid na Ralph at Renz Fernandez na magpakalbo kesa kainin ang isang nakadidiring pagkain. Higit sa lahat, dapat panoorin ang wacky tandem nina Inday Garutay at IC Mendoza. Nakakatawa raw ang mga eksena nina Inday at IC. Matunog na anak ang tawag ni Inday kay IC at lola naman ang term of endearment niya sa stand-up comedian na nakilala sa showbiz bilang impersonator ng kanyang namayapang lola.

***

Mamayang gabi na ang show ni Allan K. sa Klownz (Quezon Avenue) para sa mga bibili ng Ang Ganda-Ganda K, ang bagong album niya sa Sony BMG Records. Si Vehnee Saturno ang producer ng much-awaited album ni Allan.

***

Comments are welcome at jojogabinete @yahoo.com.

Source: Abante