|
|
| Manager ni Gabby, kinabog sina Britney, Brad, Angelina at MadonnaAuthor: Mercy Lejarde HALOS pulos bagets ang binigyan ng ABS-CBN Star Magic ng welcome preskon. As in, kapipirma lang ng contract sa kanila nina Makisig Morales, Jairus Aquino, Kyle Balili, Andre Garcia, Paul Salas, Rhap Salazar at Mica Roi Torre. Ang komedyanang si Kitkat lang ang tipong pinaka-bagets sa kanila dahil siya lang ang may lumuluwang cleavage, hahaha! Aminado naman itong si Kitkat na peke ang boobs niya at umumbok lang dahil sa silicon. Yezzz, mukhang wala siyang takot sa breast cancer, ha! Sa set daw ng Iisa Pa Lamang, madalas siyang paglaruan ni Claudine. Ginagawa raw siya nitong manyika. As in, manyikang buhay. Naku, hindi kaya naglilihi na naman si Claudine at si Kitkat ang napaglilihian niya? Kung sabagay, napaka-flawless naman ng skin nitong si Kitkat, kasing flawless ng balat ni Claudine, in fairness. Ang bagets na si Paul, dyunak ng dating UMD dancer, pamangkin pala ni Dingdong Dantes at inaanak pa sa binyag. Tinanong namin ang bagets kung break na nga ba si Tito Dingdong niya at si Karylle. Hindi raw niya alam. Basta ang isinasama raw ng aktor tuwing birthday niya ay si Karylle. Si Makisig naman, si Kathryn Bernardo pa rin ang type. Pero gusto niyang makita uli ang ka-batch niya sa Little Big Star na si Charice Pempengco at sasabihin daw niya rito na âipakilala mo naman ako kay Oprah (Winfrey). â Okay lang, Makisig, libre naman ang mangarap, tsuk! Ang mukhang masuwerteng bagets ay itong si Jairus, dahil hindi nawawalan ng project mula nang makilala bilang Pareng Jomar sa Super Inggo. Naging batang Rayver Cruz siya sa Rounin, batang Vhong Navarro sa Lastikman, bida sa Kung Fu Kids at ngayon, sidekick ni Ryan Agoncillo sa Pieta, si Toto. Keep up the good work and the good luck, Pareng Jomar, este, Pareng Jairus! * * * TIPONG English teacher o English prof ang dating ni Sharon Cuneta sa Sharon ngayong Linggo ng gabi sa episode na English 101. Guests niya ang mga English carabao beauties na sina Keanna Reeves, R. R. , Bentong, Long Mejia at may VTR pa ang pinaka-famous sa Inglesan na si Melanie Marquez. Siguradong maririnig nâyo na naman ang nakakahawang halakhak ni Sharon kapag nag-Inglesan na nang nag-Inglesan sina Keanna, R. R. , Bentong, Long at Melanie, so, kung type nâyong maging masaya ang inyong Sunday night at matuto ng English 101, tutok lang sa Sharon sa ABS-CBN Primetime Bida, okidoki? * * * CELEB na celeb naman ang âarriveâ at âauraâ ni Mommy Rose Flaminiano nuâng ipa-presscon si Atty. Bonifacio Alentajan tungkol sa kasong isinampa nina Aster Amoyo, Maui Taylor at Aubrey Miles at sa bagong kasong isinampa niya laban kay Gabby Concepcion, estafa at deceit. Jusko, jusmo, Ian F. , talbog ang mga biyuti nina Britney Spears, Madonna, Angelina Jolie at Brad Pitt sa pag-iwas nitech sa TV crew at tabloid reporters. Wa talaga siya talk habang bumababa-panaog sa mezzanine ng Rembrandt Hotel at nakatutok ang camera ng ibaât ibang talk shows. Basta lakad lang siya nang lakad with poise, ha! Well, siguro nga ay pinaninindigan ni Mommy Rose na huwag magsalita hanggang hindi pa natatapos ang ika-40 days ng yumaong dad ni Gabby na si Rollie. Por respeto nga naman sa dead niyang friend. âYon lang. Source: People's Tonight |