|
|
| 'Mananatili akong Kapuso' - Regine![]() Column: About Showbiz Paniwalaan natin si Dina Bonnevie sa sinabing walang relasyon ang anak niyang si Oyo Sotto kay Kristine Hermosa. Barkada lang daw ang dalawa mula nang magkasama sa Enteng Kabisote movies, kung saan, mag-ina ang kanilang role. "My" for "mommy" nga raw ang tawag ni Oyo kay Kristine up to now. "Siyempre, sa anak ko ako naniniwala at sabi niya, kung sila, Samantala, Kapuso na uli si Dina via Babangon Ako't Dudurugin Kita at madali niyang natanggap ang project, dahil wala siyang kontrata sa ABS-CBN. Per project ang kontrata niya in both networks, para nakakapamili siya nang tatanggaping show. Hindi napanood ni Dina ang pelikulang Babangon…, at humiram pa siya ng DVD at saka nalamang kahit role ni Mona Lisa ang kanyang ginagampanan, malayo sa movie version ang character niya. First time ng actress sa role na hahawak at magpapaputok ng baril at si direk Joel Lamangan lang daw ang naka-kumbinse sa kanyang gawin ito. * * * Balik-S. O. P. kahapon si Regine Velasquez at sa mga susunod pang Linggo ay 'di na siya mag-a-absent (maliban kung may shows abroad). Nagbigay siya ng statement para linawin ang mga lumabas at nasulat. Mahaba ang statement ni Regine at ikatutuwa ng Kapuso fans ang sinabing hindi na siya aalis sa SOP at sa GMA Network. Nabanggit din nitong magkakaroon siya ng ibang shows sa mga susunod na araw. Sabi ni Regine: "I will be here where I feel I would be happy. I have come to a decision and I have decided to stay in GMA. Mananatili akong Kapuso at sa mga susunod pang mga taon. Na-realized kong dito ang puso ko. I'm staying, choice ko ito and I'm proud to be a Kapuso. " Pinasalamatan nito sina Atty. Felipe Gozon, Jimmy Duavit, Wilma Galvante at Darlene de Jesus, her family, and her boyfriend Ogie Alcasid na umiyak din sa tuwa. Present sa pagbabalik niya sa SOP si GMA Films at GMA World president Annette Gozon-Abrogar with GMA Films Supervising Producer, Joey Abacan and Project Development Manager & Head of Synergy Noel Ferrer. Patunay daw 'yun na hindi sila ang dahilan nang muntik na pag-alis sa GMA Network ni Songbird at isa pa nga sila sa mga dahilan sa desisyon ni Regine na mag-stay. Samantala, tuluy na tuloy na ang pelikula nina Regine at Ogie Alcasid sa GMA Films na Love Is Deaf…and Blind. Nire-revise na ang script at last week ng March, magsu-shooting na ang dalawa sa first movie nila together to be directed by Dominic Zapata. * * * Naurong sa March 10 ang taping ng church wedding nina Marian Rivera at Dingdong Dantes para sa Marimar, dahil pinaghahandaan ng husto. Nagka-problema rin yata sa inimbita nilang wedding sponsor, dahil hindi pumuwede sina Mrs. Imelda Marcos at Sen. Jinggoy Estrada at kailangan silang palitan. Isa ang wedding scene sa pinaka-malaking eksena ng tele-drama na magtatapos na sa March 14 at kailangang bongga. Hindi nga lang puwedeng sabihin kung saang simbahan ang location at baka sumugod ang maraming tao. Samantala, inaabangan na ang sexy billboard ni Dingdong for Bench Body na sa March 8 ang unveiling. Ito 'yung sinabi niya sa press na 'di niya akalaing kanyang gagawin, pero nakaya niya. Source: The Philippine Star |