Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Manay Lolit pinagalitan si Katrina sa pagdawit sa demanda kay Dra. Vicki

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

KUNG noong una pa lang ay nagpakita na ng pagsisisi si Hayden Kho sa ginawa niyang 'kababuyan' kay Katrina Halili at humingi na siya agad ng kapatawaran sa sexy actress, baka na-patawad pa siya nito.

Kung ngayon hihingi ng "sorry' si Hayden kay Katrina, wala na raw itong saysay.

"Too late na para pa-tawarin ko pa siya, Hindi ko naman nakikitang nagsisisi siya," sagot ni Katrina nang tanungin kung kaya pa ni-yang patawarin si Hayden.

Ngayon daw ay tila bato na ang puso ng actress lalo't ipinalabas pa ng controversial doctor na siya ang nagsu-supply dito ng pinagbabawal na gamot sa tuwing sila ay nagse-sex.

Nakapagsalita na nga nang hindi maganda si Katrina sa Senado kay Hayden nang makita nitong nagagawa pang tumingin sa kanya ng doktor sa kabila ng pambababoy nito sa kanyang pagkatao.

Pero gaano kaya katotoo na kinagalitan pa ni Lolit Solis si Katrina dahil hindi nito nagustuhan ang pagsasampa rin ng demanda ng aktres laban kay Dra. Vicki Belo?

Very vocal kasi ang sikat na talent manager/TV host na wala raw kasalanan si Belo sa pagkalat ng natu-rang sex video nina Katrina at Hayden.

Sa pananalita ni Lolit ay mas kakampihan pa nito ang 'best friend' na si Belo kaysa kay Katrina na 'talent' niya sa kasalukuyan.

Samantala, pinaninindigan naman ni Senator Bong Revilla na hindi ningas-kugon ang ginagawa niyang pagtatanggol kay Katrina.

Ang ipinaglalaban niya ay hindi basta si Katrina kundi ang kababaihang biktima ng mga abusado at mapagsamantalang kalala-kihan na matapos mapaibig ang isang babae at makipag-sex ay nagagawa pang ipag-kalat at i-upload sa Internet ang pagse-sex nila na "lihim" na kinunan.

* * *

BONGGA ang production design at costume ng Kapuso Stars sa 59th anniversary ng GMA sa Araneta Coliseum last Friday night.

Nagsanib ang newscasters at mga artista ng network para maging makahulugan ang pagdiriwang sa pama-magitan ng pagrampa sa stage.

May kanya-kanyang moment ang bawat isa ha-bang rumarampa.

Hindi nagpatalo ang newscasters, sa pangunguna nina Mel Tiangco, Vicky Morales, Mariz Umali, Rhea Santos, at iba pa, sa kanilang costume habang rumarampa.

Nakakatuwang pagmasdan ang mga ito na mistulang modelo na nagpatalbugan sa stage.

Agaw-eksena nga sa rumampang celebrities si Jean Garcia kasabay si Eula Valdez.

Akala mo ay isang professional model si Jean.

Ang hindi namin ina-asahan ay ang napakalakas na hiyawan at palakpakan nang rumampa sina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

Grabe ang response ng napakaraming fans sa dalawa.

Pero hindi nagpahuli sa tilian, hiyawan at palakpakan ang fans sa Araneta Coliseum nang i-announce ang pangalan ng bagong Darna na si Marian Rivera.

Lumabas ang aktres na hindi kasama si Dingdong Dantes dahil si Mark Anthony Fernandez ang leading man niya sa Darna.

Ganoon din kalakas ang tilian at hiyawan nang tawagin naman ang star ng Stairway to Heaven na pagbibidahan ni Dingdong.

Hindi rin nawala ang pagpapatawa ng comedians/hosts na sina Ogie Alcasid, Michael V at Janno Gibbs na kahit luma at matagal nang joke na kunwari ay natisod ito nang rumampa ay kuwela pa rin sa mga manonood.

Malalim na ang gabi pero walang Richard Gutierrez na umapir sa stage para sama-han ang Kapuso stars.

At hanggang matapos ang show ay nabigo ang fans na makita si Richard.

Huling gabi na pala kasi ng lamay ng talent manager na si Douglas Quijano at naroroon ang actor kaya hindi nakasipot sa 59th anniversary ng Kapuso network.

Hindi na namin ikukuwento ang ibang pang ar-tista na super-sexy ang outfits nang rumampa dahil mapapanood sila nang buung-buo sa June 28 na tinawag na One Glamorous Night: Greater and Grateful at 59 sa SNBO ng GMA-7.

* * *

NAKARATING sa amin na hindi lang pala sina Joey Marquez at Kris Aquino ang hindi nagbatian sa lamay ni Tito Douglas Quijano.

Maging ang mag-asa-wang John Estrada at Janice de Belen ay nag-iiwasan din daw, pero hindi naman nag-isnaban.

Kung may nagdedma-han sa huling lamay kay Tito Dougs ay may mga nagkabati naman.

Tulad ng mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez at ang dating best of friends na sina Gretchen Barretto at Nadia Montenegro.

Source: Taliba