Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Manila's acting mayor Isko Moreno still has time for showbiz

On the job learning experience--'yan ang turing ni Manila Vice Mayor Isko Moreno sa kanyang pag-upo bilang acting mayor ng lungsod ng Maynila. "OJT," nakangiting deskripsyon ni Isko sa kanyang newfound role. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainm...

 

Manila's acting mayor Isko Moreno still has time for showbiz

Actor turned politician Isko Moreno will have his hands full as he rekindles his love for acting via ABS-CBN's new soap titled Ligaw.

Author: Bong Godinez

On the job learning experience--'yan ang turing ni Manila Vice Mayor Isko Moreno sa kanyang pag-upo bilang acting mayor ng lungsod ng Maynila.

"OJT," nakangiting deskripsyon ni Isko sa kanyang newfound role. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang actor turned politician noong nakaraang Biyernes, May 9, sa Studio 10 ng ABS-CBN sa Quezon City, kung saan ginanap ang pictorial ng Ligaw.

Ipinagkatiwala pansamantala ni incumbent Manila Mayor Alfredo Lim kay Isko ang pangangasiwa sa lungsod habang siya'y nasa ibang bansa. Nagsimulang manungkulan si Isko bilang acting mayor ng Manila noong April 23 at magwawakas ito sa May 20.

Pagmamalaki ni Isko, "We're doing good. I'm the acting mayor right now for two weeks. Awa naman ng Diyos, over all, modesty aside, okay naman."

Hindi raw biro ang trabaho at aminado si Isko na bagama't matagal na rin siya sa linya ng public service ay may mga pagkakataon na nangangapa pa rin siya.

"Challenging kasi 'yon, e, bilang the father of a city with two million children night time, cause we have almost four million daytime population," paliwanag nito.

"Can you imagine being the father? Pero 'yon na nga, I'm just trying to do my best. Just trying to be an actor on that manner," seryosong pahayag ni Isko.

Wala raw pagkakaiba sa pagiging artista ang trabaho ng isang government official, especially sa situation niya ngayon.

"Para bang ginagampanan ko lang 'yong isang karakter na pagiging alkalde and kailangan maging magaling ako na alkalde para manalo ako ng award."

SHOWBIZ CALLING. Despite his busy schedule and the bulk of responsibilities placed on his shoulder, hindi pa rin maiwan-iwan ng former That's Entertainment mainstay ang showbiz.

Talking about Ligaw--ABS-CBN's soon-to-be launched afternoon soap--sinabi ni Isko na masyado raw maganda ang role na inalok sa kanya para palagpasin.

"Well, maganda naman e," aniya, "na pag tiningnan mo 'yong plot, 'yong story line, talagang okay 'to, ah. Pilipino 'to pero maraming twists. Usually, Onaks [Americans] lang ang magaling sa mga twists pero ito kakaiba. So I felt na I can entertain people by doing this.

"Second, I have free time. Third, alam mo naman dati na tayo sa showbiz so hinahanap pa rin ng katawan natin 'yan."

Napansin namin na anti-thesis ang role ni Isko dito sa Ligaw, kung saan isang dating kubrador at involved sa horseracing ang kanyang gagampanan.

"Hindi naman," mabilis na sagot ni Isko nang tanungin ng PEP kung hindi ba kasiraan sa kanyang public image ang nasabing karakter.

"Nangyayari 'yan sa totoong buhay. Hinuhuli ko nga 'yan e," nangingiting sambit ni Isko.

Todo depensa din naman siya sa gagawing role, "Pero 'yon nga, nung umunlad na siya, tumigil na siya. So parang naging stepping stone lang niya talaga 'yong pagiging kubrador."

Wala namang dapat ikatakot ang mga constituents ni Isko sa muli nitong pagsabak sa camera.

"Basta ang priority ko is public service," paniniguro ni Isko, "then my family. After nun, then may libreng oras, showbiz."

Source: Philippine Entertainment Portal