Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Manny Pacquiao at Annabelle Rama, bagong love team Richard tablado sa trilogy ni KC

Manny Pacquiao at Annabelle Rama, bagong love team Richard tablado sa trilogy ni KC

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

HINDI pa man naipalalabas ang comeback movie ni Annabelle Rama na My Monster Mom, aba, meron na agad nilulutong kasunod niyang movie.

Nasagap namin na sa next project ni Bisaya sa Regal Films, pagsasamahin daw sila ni...hold your breath...Manny Pacquiao.

Hindi pa namin alam ang konsepto ng movie na gagawin ng dalawa. But the mere fact na parehong Bisaya ang magsasama sa pelikula, na kapwa rin nakakatawa kahit hindi magpatawa, siguradong riot ito bukod sa pagiging potensyal na blockbuster, huh!

Eh, si Manny, 'di ba, nabanggit niyang gusto niyang gumawa ng comedy film? Aba, ito na ang tsansa niyang ipamalas ang effortless niyang pagpapatawa, 'di ba?

Idagdag pa rin ang pagiging natural na komed­yante ni Tita Annabelle, kaya swak na swak ang da­lawang Bisayang ito once masimulan ang movie.

Naku, bongga siguro kung gawin silang love team, ha! Parang May-December affair ang drama nila.

Anyway, after My Monster Mom kasi, papi­pirmahin ng Regal si Annabelle ng two to three movies pa. Pero 'yan ay kung magkakasundo sa talent fee sina Mother Lily at Annabelle.
***

Ang Star Cinema ang production na unang gagawan ng movie ni KC Concepcion. Ang balita nga, trilogy ang movie at ang tatlong directors na hahawak sa dalaga ni Sharon Cuneta ay sina Jose Javier Reyes, Cathy Garcia at Chito Roño.

If ever matuloy ang first film niya sa Star Cinema, ang movie with Richard Gutierrez will only come in second. That is, kung papayag ang GMA Films at ang Regal Films kung saan kontratado ang aktor, huh!

May mga tsismis nga kaming naririnig na pumayag na raw ang GMA Films na ipahiram si Chard sa Star Cinema at si KC ang kapareha. Pero wala pang kumpirmasyon dito dahil nasa abroad daw ang mga bosses ng GMA Films.

Pero ano kaya ang gustong kapalit ng GMA once totoo nga na ipahihiram na nila si Richard sa Star Cinema? Perhaps, a new TV series for KC?

Basta kami, wait and see na lang muna, huh! After all, umiikot ang gulong ng buhay, huh!
***

Nakaamba ang isang malaking kontro­bersya sa buhay ng isang sikat na matinee and drama actor. May kinalaman ito sa mga finances niya.

Obviously, nasilip ang kinita ng actor o baka naman, naging pabaya lang ang humahawak sa finances niya. Kaya hayun, nagkaroon ng problema na mauuwi sa kaso one of these days.

Tanong nga ng nakaaalam sa parating na problema ng aktor, wala bang humahawak dito pagdating sa kinikita at pagri-report nito?***For comments and reactions, e-mail us at jnardo_55@yahoo.com.

Source: Abante