Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Manny Pacquiao ayaw nang ma-link sa mga Pinay actress

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

ISA sa mga napiling pelikula para sa darating na Metro Manila Film Festival ang Wahna Pacman, working title ng Pambansang Kamao under Solar Films na kung saan superhero ang role niya at isang international star ang kapartner.

Sa tulong ni Wilson Tieng ng Solar Films, napapayag ang leading lady na ni-request ni Pacman na international star na si Nicole Scherzinger, member ng sikat na Pussycat Dolls. Tsika tuloy, kaya raw foreign star ang gustong maka-partner ni Pacman, para makaiwas sa intriga or matsismis sa kapartner na Pinay.

'Di ba na-link siya noon kina Ara Mina at Valerie Concepcion nang ma-ging leading lady niya sa Anak ng Kumander?

Pero ang malaking ta-nong, hindi kaya pagse-losan din ni Jinkee ang seksing Pussycat Doll? Mas nakaka-insecure nga ang isang foreign artist dahil liberated ang attitude nito.

Well, wait and see na lang tayo. Kapag may nabalitaan tayong nagbababad sa set ng shooting ang maybahay ni Pacman, 'yon na! Dalawa lang ang ibig sabihin, nagseselos or tagaha-nga rin ni Nicole si Jinkee.

Samantala, nanga-ngamba ang fans at supporters ni Manny sa ginagawa nitong pag-iikot sa Sarangani. Maganda ang hangarin niya sa Sarangani, pero papaano ang inggit ng makakalaban niya sa naturang lugar?

Dapat lang maging super-ingat ang Pambansang Kamao dahil sabi nga napakarumi ng pulitika sa ating bansa.

* * *

HINDI mailarawan ni Gian Magdangal ang nada-ramang kasiyahan nang isama siya sa teleseryeng Rosalinda.

Magmula nang magkaanak sila ni Sheree ay nagkasunud-sunod na raw ang suwerte nila.

Nandiyan pa rin siya sa grupo ng male singer na nagpe-perform sa SOP every Sunday, at hindi rin naman nawawalan ng show si Sheree.

Ang latest ay isinama nga si Gian sa Rosalinda sa role na bestfriend ni Geoff Eigenmann leading man ni Carla Abellana as Rosalinda.

One year old na ang anak nila ni Sheree at ma-mamanhikan na siya sa parents ng sexy actress pagda-ting ng mga ito sa bansa. Naka-base kasi sa abroad ang mga magulang ni Sheree.

Matagal na raw silang magkaibigan ni Sheree, pero dumating ang araw na namalayan na lang ni-lang mahal pala nila ang isa't isa.

Ano naman ang reaction niya kapag sinasabi na dating sexy star si She-ree?

"Proud ako. Inggit na inggit nga ang mga kaibigan ko dahil super-sexy ang partner ko. 'Di ko siya pakakawalan dahil mahal na mahal ko siya. Nag-iipon na ka-mi para makabili ng sa-riling bahay at para sa kinabukasan ng baby namin bago kami humarap sa altar," say ni Gian.

* * *

DISMAYADA at frustrated daw si Yasmien Kurdi sa bagal ng justice system natin.

Hindi raw nabibig-yan ng importansiya at kaukulang atensyon ang reklamo ng mga kababaihang biktima ng sexual harassment gaya ng isinampa niya laban kay Baron Geisler.

Dahil dito, nagdesis-yon si Yasmien na ipagpatuloy ang pag-aaral sa abogasya para makatulong sa mga nangangai-langan lalo sa panig ng kababaihang naaapi at naaabuso.

Nakahandang isakri-pisyo ng young star ang kanyang showbiz career makatapos lang ng kursong Law.

Habang abala sa pag-aasikaso sa isinampang kaso laban kay Baron, pa-tuloy pa rin siyang napapanood sa mga programa sa GMA7 tulad ng Suspetsa.

* * *

KAABANG-ABANG ang salpukan sa takilya ng pelikulang Ang Panday, entry ni Sen. Bong Revilla sa MMFFP at pelikulang Ang Syota Kong Aswang ni Bossing Vic Sotto, sa naturang tau-nang festival.

'Di ba binibigyan ng kulay ang pagtatapat ng kanilang pelikula sa MMFF? Nandoong pinagtatalunan kung sino ang mas malakas sa box-office, at kung kaninong movie ang blockbuster or top-grosser.

Well, 'yan ang aaba-ngan sa nalalapit na pagpapalabas ng sampung pelikulang magiging entries sa Metro Manila Film Festival Philippines sa darating na Kapaskuhan.

Source: Taliba