|
|
| Manny Pacquiao ayaw sa training na nais nina coach Roach, boxing promoter ArumAuthor: Noel Asiñas INAYAWAN ni Manny Pacquiao na mag-advance training sa isang exclusive resort sa Mexico na sugges-ted sa kanya ni coach Freddie Roach. Tinanggihan di ni Pacman ang training na iminungkahi ni boxing promoter Bob Arum na gawin sa Vancouver, Canada. Mas gusto talaga ni Pambansang Kamao na sa Ba-guio siya mag-training. Sa huling usapan, ayon sa source, sa Baguio ang first part ng training na gusto ni Manny. Ang second part na maga-ganap three weeks bago ang laban niya kay Miguel Cotto ng Puerto Rico sa November 14 ay sa Wild Card Gym ni coach Roach. Ayon kay Manny, okey na sa kanya ang two months training tutal ang weight ni-ya ngayon ay 150 pounds at madali nang makahabol sa 145 pounds na kailangan sa laban. * * * SAMANTALA, bago mag-training si Manny sa Baguio, nakapagsimula na siya ng taping ng second season ng Show Me Da Manny ng Kapuso network. Mabilis na nakapagre-serba ng episodes ang grupo dahil sinasagad nila ang taping tuwing Tuesday sa Studio 6 ng GMA7. Ayon sa production staff na kausap namin, nakapagte-taping sila ng isa't kalahating episode tuwing Tuesday. Walang palya ang ta-ping tuwing Tuesday mula nang nagsimula silang mag-imbak ng episodes ng sitcom. Maganda naman ang naging resulta ng kanilang paghihirap. Sa pilot episode lang ay naka-23. 1 percent na sila. Ang ikalawang episode ay naka- more than 22 percent naman. * * * SI Paolo Contis ang magkukuwento sa kakaibang sports sa programang OC To The Max ngayong ga- bi pagkatapos ng Telebabad ng GMA 7. Pero, pahayag ng aming source, malamang daw ay mapag-initan ng MTRCB si Paolo Contis sa pagho-host niya ng OC To The Max. Para kasi maging kabi-lib-bilib sa mga manood ang kanyang pagkukuwento tungkol sa kakaibang pagsu-swimming, talagang na-kisali siya sa mga lumala-ngoy. Kaso, maluwag ang kanyang swimming trunks kaya nahubuan siya. Hindi ipina-edit ni Paolo ang naturang eksena ka-ya kapag napanood ito ng mga taga-MTRCB, tiyak na pagpapaliwanagin siya. * * * NANG nakausap namin si Michael V sa presscon ng movie nila ni Ogie Alcascid, ang Yaya and Angelina: Spoiled Brat the Movie, nasabi niyang okey lang sa kanya kung baguhin man ang format o palitan ang show niyang Bitoy's Funniest Video dahil naka-five years na naman ito sa ere. Kilala si Bitoy sa paggawa ng iba't ibang cha-racters sa telebis-yon lalo na sa sitcom nila ni Ogie na Bubble Gang tuwing Friday night. Hindi niya akalain na ang Angelina at Yaya characters ni-la ni Ogie ay maghi-hit nang husto sa televiewers kaya naman ginawa itong peli-kula na ang producer ay ang GMA Films at Regal Films. By the way, namama-yagpag ang programang Hole in the Wall nila ni Ogie sa ratings game kahit nasa huling season na ito ngayong September. Sa darating kasing October ay ibabalik na ang prog-rama ni Richard Gomez na Family Feud. Pinakahihintay din ng publiko ang pagbabalik na ito ng sobrang na exciting na Family Feud ni Richard Gomez. Samantala, this week ay inaabangan sa Hole in the Wall ng Kapuso network kung sino ang makapag-uu-wi ng Jackpot prize na almost P2 million. Source: Taliba |