Mar 15
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Manny Pangilinan, involved sa pagpu-produce ni Albert

Author: Nitz Miralles

NAGSU-SHOOTING na pala ang pelikulang Cul de Sac, produced ng Cinemabuhay, Inc. , na ang presidente at executive director ay si Albert Martinez.

Second project ito ng Cinemabuhay, na nakilala sa first movie nilang Numbalikdiwa na bida sina Albert at Maricel Soriano.

Bukod kay Albert, sikreto pa ang ibang bumubuo sa cast ng pelikulang mula sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes.

Ang laki ng budget ng movie at dahil tumaas ang bilihin, tiyak na hindi na lang P50 million ang magagastos dito't may location pa sa Hong Kong.

Involved sa production si PLDT chairman at Smart Foundation head Manuel "Manny" Pangilinan at Butch Meily, presidente ng Cinemabuhay.

Matanong nga uli si Albert kung ano ang gagawin nila para mabawi ang malaking perang ipinuhunan sa pelikulang tungkol sa buhay ng isang carnival queen.

* * *

HUHUSGAHAN na sa August 20 ang lakas sa fans ng mga loveteam nina Yasmien Kurdi at JC de Vera, Kris Bernal at Aljur Abrenica at kung tanggap ba ang natsitsismis na relasyon nina Jean Garcia at Polo Ravales.

Sa nasabing petsa na ang opening ng Loving You na kanilang pinagbibidahan. Kasama rin sa movie ang tambalang Ehra Madrigal at John Prats.

Sa apat na loveteams, mapu-focus kina Jean at Polo ang atensyon ng tao dahil ang pareha nila ang pinakamaingay. Hindi pa nga sila umaamin, nabalita nang nag-live-in at nitong huli'y break na raw.

Sa huli naming interview sa dalawa, okey naman sila at in-offer nga ni Polo ang sarili bilang birthday gift kay Jean na birthday sa Aug. 22.

Mabilis na "ang sarili ko" ang sagot nito nang usisain namin kung ano ang ireregalo sa actress.

Nagulat si Jean sa sagot ng actor at kami naman, nahiyang hiritan si Polo kung nagkukuripot lang kaya ang sarili ang ireregalo.

Dahil nali-link kay Jake Cuenca, iimbitahan din daw siya ni Jean sa kanyang party para lang pasinungalingan ang tsismis sa kanila.

Hindi na-offend, pero naloka ito sa tsikang nakitulog siya kina Jake.

"May bahay ako, hindi ako nakikitulog sa ibang bahay," sabi ng aktres.

Ipinaalala pala ng Regal na may primer ang Loving You this Sunday, 11:15-11:45 a. m. , bago mag-SOP. Sa gabi ang premiere night sa Cinema 6 ng SM Megamall.

* * *

MASAYANG-MASAYA si Marvin Agustin sa magandang ratings ng dalawang shows niya sa GMA-7.

Consistent ang high ratings ng Gaano Kadalas Ang Minsan at hindi rin nagpapahuli ang Dear Friend every Sunday.

Kahit nadagdagan ang work load, walang reklamo si Marvin at trabaho naman daw talaga ang hanap niya.

Dagdag pa nito, walang karapatan ang mga artistang sunud-sunod ang projects na magreklamo't mas nakakatakot kung wala nang trabahong dumating.

Marunong din namang mag-relax si Marvin at kadalasan, ang kambal ang kanyang kasama at mga kaibigang iniimbita sa bahay niya sa White Plains.

May time rin siya sa dumaraming restaurant, na ang pinakabago ay ang branch ng Japanese resto sa Eastwood.

After Diana Zubiri, kay Katrina Halili naman nali-link si Marvin at ibinuking pa ng huli na nagti-text siya at nagyayang mag-date, hindi lang sila natuloy lumabas dahil parehong busy.

Samantala, sa Dear Friend today, ang kakaibang love triangle ang tema sa Bizarre Love Triangle. Best friends sina Marian (Lovi Poe) at Jerome (Marky Cielo), pero huli na nang ma-realize ng dalaga na mahal niya ang best friend.

Hindi ibang babae ang kaagaw niya sa puso nito, kung 'di ang pagpa-pari. Ang ikinatuwa lang ni Marian, kahit walang pag-asa ang pag-ibig niya, naiparating pa rin niya sa kaibigan na mahal niya ito.

Mahal din naman siya ni Jerome, pero ang Diyos pa rin ang pinili nito at bago pumasok sa seminaryo, tiniyak na hindi nagbago ang friendship nilang dalawa.

Mula ito sa direksyon ni Jun Lana at kasama rin si Sheena Halili.

* * *

FUSCHIA kung fuschia ang matching suot nina Ariel and Maverick sa presscon ng Bilib Ka Ba Nights ng GMA-7, kung saan hosts at sila ang voice over ng Wednesday show na Masquerade.

Longest- running primetime program ito sa Japan na nasa bansa na.

Ikinuwento ni Ariel ang pinaggagawa nila ni Maverick at kung paano tatakbo ang show, ang kakaibang performances, homemade costumes na lalong nagpapaganda sa show.

Suot pa rin nito ang malaking singsing na mabigat pala.

Sa Channel 7 exclusive mapapanood sina Ariel at Maverick dahil hindi sila pinayagang bumalik sa TV5.

Busy din sila sa guesting sa ibang shows ng network at sa September, tatapusin na nila ang shooting ng movie nila sa GMA Films na ang title na lang daw ay Hollywood or Else.

Ang pagbubuntis ng kanilang director ang isa sa mga rason sa pagkaantala ng shooting, pero babalik sila sa Amerika at tatapusin ang mga natitirang eksena.

Source: People's Tonight