|
|
| Manny, idinawit sa 'panloloko' ng direktorAuthor: Gerry Ocampo HINDI effective ang gimik na pinormahan ni Manny Pacquiao si Valerie Concepcion kaya ang torrid kissing scene ang ginamit para mapag-usapan ang dalaga. Umiiyak pang nagpa-interview ang aktres, na ang feeling daw ay "naloko" ng director nilang si Jose "Kaka" Balagtas. Ani Valerie sa Entertainment Live, alam niyang may kissing scene sila ni Manny, pero dampi lang at hindi lalabas na torrid na siyang nangyari sa eksena. "Hindi na ako umangal. Sinunod ko na lang ang utos ni Direk para take one lang ang halikan," say ni Valerie. Ang hindi raw nagustuhan ng dalaga ay ang natatanggap na text message na napakasarap niyang humalik, kapalit ng isang bahay at lupa. Sa isang interview pa kay Valerie, idinamay nito si Manny bukod kay Direk Kaka. Sabi ng dalaga, hindi niya alam, baka ginusto na rin ng leading man ang naturang halikan. In fairness kay Manny, sinusunod lang din nito ang hinihingi ng istorya at hindi nagte-take advantage sa kahit sino. Anyway, magkakaroon naman ng presscon ang Anak ng Kumander at doon magkakaalaman kung sino ang nagsasabi ng totoo. * * * LUMALALA ang alitan nina Senator Bong Revilla at OMB chairman Edu Manzano. Sa awayan ng dalawa, ang mga pirata ang nagtatagumpay. Dapat lang na magkaisa na sila at tigilan na ang iringan dahil dagsa at talamak na ang piracy sa ating bansa. Kung sila rin lang ang mag-aaway, lalo lang lalakas ang loob ng mga gumagawa ng iligal na gawain at baka tuluyan pang bumagsak ang local movie industry. Samantala, patuloy ang pagbibigay ng babala si Sen. Bong sa mga televiewer na mag-ingat sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga amazing video sa Kap's Amazing Video. Sa show na napapanood every Sunday pagkatapos ng Wish Ko Lang sa Siyete, ipinakikita ang mga nakagigimbal na pangyayari at nagbibigay babala para ang mga ito'y maiwasan. Source: People's Tonight |