Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

WELCOME!

Welcome to Telebisyon.net! Your online source of information about your favorite TV series. This site is fairly young and you are bound to encounter errors. Feel free to contact us if you happen to stumble upon an error. Your contributions, suggestions, and comments are more than welcome. :-)

 

Manny, mas type si Aubrey kesa si Juliana

Manny Pacquiao

Column: Insider
Author: Billy Balbastro

Finally, ang first solo movie ni Manny Pacquiao -- na nagkaroon ng tentative title na The Champ (titulo ng 1979 Jon Voight movie) -- ay nagkaroon ng title na Lisensyadong Kamao.

Compliments of Tony Bernal, ang direktor nito. Siya ang direktor ng mga pelikulang Tomagan at iyong kay Eddie Gil (Pelukang Itim).

Walang photo kahit isa si Manny Pacquiao sa releases sa presscon nu'ng Huwebes nang gabi sa Marina Timog. That morning lang siya dumating mula sa General Santos City kaya ang presscon nila ay naging pictorial session niya rin later.

Inaamin ni Manny na nakatatlong pelikula na siya earlier pero sa fourth movie ito ng Violett Films siya gumaganap for the first time ng lead role.

Sa early movies niya, Di Ko Kayang Tanggapin at Mahal Kita Kahit Sino Ka Man, pansuporta lang siya kay Mikey Arroyo, sabi niya. Sa third movie niyang Basagan ng Mukha, si Ronald Gan ang bida.

Excited si Manny dahil dalawang sexy stars ang leading ladies niya - sina Juliana Palermo at Aubrey Miles.

Kaya nang tinanong siya na kung binata pa siya, sino kaya ang liligawan niya, okey ang sagot ni Manny. Hindi siya naging showbiz o pa-cute. Mabilis ang balik niya: "Si Aubrey dahil magkasintangkad kami. Si Juliana, masyadong mataas para sa akin."

Dahil may laban si Manny sa US sa September at nakatakda siyang umalis sa early August para sa training niya, dapat matapos niya ang lahat na mga eksena niya by August 1.

Totoo ba ang sinasabi ni Direk na in four shooting days (sa Elorde gym), matatapos na ang pelikula?

Sa September 2005 ang playdate nito, after Manny's fight. Kung mananalo siya, maganda ito para kay Madam Violet Sevilla.

***

Kung commercial load ang pag-uusapan, isang successful show na after its first episode last Sunday ang Hollywood Dream. Marami ang commercials at ang karamihan ay first-timer na pumasok sa ABC 5.

Bukas nang 9:00 PM sa ABC 5, mapapanood ang Episode 2 ng Hollywood Dream. Mapapanood na mahigit sa 200 ang sumali sa auditions at 15 lang ang napiling final contestants.

Nagpalit ng isip si Juliana Palermo at hindi pinayagan ng Viva si Andrea del Rosario kaya nag-quit sila.

Isa sa mga standout si Juddha Paolo ng Coke commercial na naging Star Circle member. Kahit isang balikbayan, ang galing na niyang mag-Tagalog.

Bumalik siya sa Pilipinas, hindi para mag-aartista, kundi para maging member sana ng boxing team ng bansa. Hanggang ngayon, ito pa rin ang obsesyon ni Juddha Paolo.

Watch his performance sa Episode 2 bukas.

***

Patuloy ang mall tour ng Masculados para i-plug ang kanilang bagong kantang Swak na Swak, na sinulat ni Lito Camo at iba pang hits mula sa kanilang Nakaka... album.

Kasama sa kanilang selebrasyon ng ikatlong anniversary nila ang paglabas ng Swak na Swak CD single na P75. May kasama pang gift certificate para sa libreng White Castle whisky.

Libre ang kanilang show sa SM Bacoor bukas nang 5:00 PM. Merong autograph signing at photo session with fans after the show.

***

May bagong album din si Karylle mula sa Universal Records at nakagugulat ang production credits nito. Kasama ng mga kanta na nasulat nina Ogie Alcasid at DJ Mod (Noel Macanaya) sa You Make Me Sing ay mga kantang ginawa nina Karylle at Jay-R.

Aba, mga songwriters na rin sila. Si Karylle ang sumulat ng Hiling na prinodyus ni Ito Rapadas. Si Jay-R ang tumulong sa paggawa ng You Make Me Sing at The Real Karylle.

Kasama rin dito ang theme song ng Encantadia ng GMA, ang Mahiwagang Puso. Kasama sa cast si Karylle sa soap na ito.

***

ONE-LINER: Welcome the unplanned moments, the unexpected where God's gifts are found, and your days will be filled with pleasant surprises. May you have a fulfilling weekend!

Source: Abante Tonite