|
|
| Manny todo-preparasyon na sa laban vs CottoAuthor: Noel Asiñas MATAPOS ang bonggang promo presscon nina Manny Pacquiao at Miguel Cotto sa Yankees Stadium kamakalawa lang, tutungo ang dalawang boksingero para sa promo tour sa San Francisco, Los Angeles at San Diego sa California at saka sila tutuloy sa Puerto Rico. Sa interview ng press kina Manny at Miguel, walang pinakawalang maaanghang na parunggit ang bawat isa. Si Cotto ay nagsabing sobra ang respeto sa Pambansang Kamao at si Manny ay nag-anyaya sa libu-libong fans ng bosingero na panoo-rin ang laban dahil wala si-yang titipiring suntok para makuntento ang mga ma-nonood sa Nov. 15 sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada. Bago tumuloy ng trai-ning sa Baguio si Pacman ay balik-taping siya sa Show Me Da Manny para sa kanyang mga natitirang eksena. Walang dapat ipag-alala ang viewers ng sitcom dahil marami itong reserba bago sumabak sa training ni Manny. * * * SUPER-ASIKASO ni Lovi Poe si Lani Mercado, na sumama nang mag-guest sa Show Me Da Manny si Sen. Bong Revilla. Ito 'yung episode na guests ang magbabarkadang sina Bong, Phillip Salvador at Sen. Jinggoy Estrada. Napansin namin na kung nasaan si Lani, naroroon din si Lovi at super-tsika sa nanay ni Jolo Revilla. Tipong pini-feel at home ang "biyenang hilaw. " Sa halip kasi na magbabad si Lovi sa dressing room nila Marian Rivera ay doon sa set mismo naghihintay ng take si Lovi. Panay ang tsikahan nila ni Lani at makikitang close silang dalawa. * * * GAGANAHAN kayo sa panonood sa Cool Center tuwing Sabado ng gabi dahil sa dalawang love guru na sina Mr. Cariñoso at Mr Shivaker na magpapatalbugan sa kanilang mga payo. Abangan din ang portion na Hubad na Katotohanan dahil may sexy siren na mag-huhubad kapag hindi ma-kasagot sa mga tanong. Mag-text din para manalo ng P10K worth of groceries. * * * NANG bumisita kami sa set ng Bubble Gang, ipinagdiinan ni Rufa Mae Quinto na ang bahay na binili sa Tate ay joint venture nila ng kanyang Pinoy fiancée na ayaw niyang pangalanan. "Masarap ngayong bumili ng bahay sa America, mura pa. Marami kasing naiimbargo ng bangko. Doon kasi, dalawang buwan ka lang hindi makahulog ay iilitin na ng bangko. 'Yung bahay na binili namin ng fiancée ko ay cash naming nakuha iyon at 'di hulugan," kuwento ni Rufa Mae. Pero ayaw sabihin ni Rufa Mae kung saan ito at kung magkano nila nabili. Galit pa rin si Rufa Mae kay DJ Mo, as in hindi na niya mapapa-tawad ito. Palaisipan pa rin kung sisipot siya sa Showbiz Central this Sunday dahil sa tono ng pananalita ni Rufa Mae parang malabo na. * * * SA Pinoy Records may madugong labanan sa monthly finals ng "Pinoy Extreme Talent" portion nito! Sino kaya kina Handstand King, Screwdriver King, Bisekleta King, at Hollowblocks Queen ang mag-uuwi ng P100,000? At sino kina sexy babes Krista Ranillo and Jenny Miller ang kikilalaning "Horror House Queen?" Labanan ng mga pambihira at maabilidad nga-yong Sabado sa Pinoy Records, hosted by Chris Tiu and Manny Pacquiao, pagkatapos ng Wish Ko Lang! Source: Taliba |