|
|
| Manny, umaming takot kay JinkeeAuthor: Nitz Miralles Walang Gabby Concepcion na dumating sa premiere night ng I. T. A. L. Y. noong Linggo ng gabi at wala ring fans ni Rhian Ramos na nag-boo kay Mark Herras and vice-versa. In fact, masaya ang premiere night dahil bukod sa kumpleto ang cast at may guests pang dumating, very entertaining ang GMA Films movie na showing na bukas, September 17. Mahusay ang mga artista at pati ang may mga cameo role, umarte sa movie ni Direk Mark Reyes, pero ang nagpatawa nang husto ay si Eugene Domingo. "Bakulaw" ang tawag sa kanya ni Direk Joyce Bernal dahil kahit walang dialogue, nakakatawa pa rin. Nanood at nakitawa rin sina Dingdong Dantes, Iza Calzado at boyfriend Jerry Garcia, Bubbles Paraiso, Raymond Gutierrez, Yasmien Kurdi, Direk Adolf Alix Jr. at humabol ang La Salle pointguard na si Simon Atkins Jr. , na nali-link kay Rhian. Naging super close sina Jolina Magdangal at Rufa Mae Quinto sa shooting at naniniwala ang una na hindi fake ang boobs ng huli dahil malambot nang dibdiban niya sa eksenang nagsasabunutan sila dahil kay Dennis Trillo. "Nag-usap kami nang masinsinan at na-enlighten ako sa sinabi niya. Nagkaiyakan kami, malalim pala siyang tao, akala ko boobs lang niya ang malaki. "Mahal na mahal niya ang mom niya at naiyak ako nang sabihin niyang 'best friend' niya ang mom niya. The best advice niya sa akin, gaano ka man kasikat, at the end of the day, mag-isa ka pa rin sa buhay," say ni Jolina. Samantala, nadiskubre naming hindi pa nakukumpilan si Jolina at ang nobyong si si Bebong Muñoz at ang usapan nila'y sabay na silang magpapakumpil. * * * Balik-showbiz si Jennylyn Mercado after isilang si baby Jazz dahil balita namin, join siya sa cast ng One Night Only, entry ng Canary Films sa Metro Manila Film Festival. Hindi lang alam kung sino kina Roxanne Guinoo at Angelica Panganiban ang papalitan niya sa original cast na ang naiwan na lang ay sina Valerie Concepcion at Joross Gamboa. Curious lang kami dahil kasama rin sa cast si Alessandra de Rossi at noong nasa GMA-7 pa ito'y nagkaroon sila ng gusot ni Jennylyn dahil kay Jeremy Marquez. Naayos na kaya ang conflict nila at hindi magkaroon ng problema si Direk Joey Reyes sa shooting? Ang sunod na hihintayin ng fans ni Jennylyn ay kung kailan siya magkakaroon ng regular TV show sa Siyete at okey sa fans niyang muli silang pagtambalin ni Mark Herras. Sayang pala at hindi nakadalo si Jennylyn sa premiere night ng I. T. A. L. Y. kung saan imbitado siya at du'n sana mati-test kung marami pa silang fans ni Mark. * * * Ipinakita sa Showbiz Central ang footages ng freak accident ni Dingdong Dantes sa taping ng Dyesebel. Na-dislocate ang buto nito sa right arm sa kasusuntok sa puno ng niyog nang magwala na hindi natulungan si Dyesebel (Marian Rivera). Naka-cast ang right arm ng actor at matagal bago 'yon mag-heal. Pero, tuloy ang taping nito at dumating din siya sa premiere night ng I. T. A. L. Y. Ang problema niya'y 'pag sinimulan na ang shooting ng One True Love. Sumalang si Manny Pacquiao sa "Killer Question" at aliw malamang takot ito sa misis niyang si Jinkee Pacquiao 'pag sinagot kung sinong girls ang mga nagti-text sa kanya. Si Alma Moreno naman ang guest sa "Don't Lie to Me" segment at sinamahan ng mga anak. Itinanggi nitong imbento lang ang pagkakaroon ng multiple sclerosis. Kinuwento ni Dennis Trillo ang nangyari sa first birthday ng anak na si Calix Andreas sa clubhouse ng Valle Verde 6. Naintindihan ng press kung bakit hindi siya nag-imbita. Itinanggi rin nito ang nabalitang pagbabantay sa kanya ni Cristine Reyes sa S. O. P. two Sundays ago at habang naghihintay ay nag-kape pa. * * * Mamayang 5:30 p. m. na ang launching ng libro ni Rita Avila na 8 Ways to Comfort with Grace sa SMX Convention Center. For sale for P125 ang book, 92 pages at cover sila ng anak niyang si Jesu. Sinulat niya ito as guideline sa mga nagko-condole na hindi alam na mas nakakasakit ang sinasabi at magagamit din sa mga depressed. Birthday ni Rita sa Sept. 20, at ang launching ng libro ang isa sa best birthday gifts niya. Kasama rito ang story ng son nila ni Direk Erick Reyes, si Elia Jesu na three weeks lang nabuhay dahil sa heart ailment. Source: People's Tonight |