|
|
| Marian: 'Di kami magkagalit ni AngelAuthor: People's Tonight NGAYONG Biyernes ang first taping day ni Marian Rivera para sa bagong project na Darna sa Kapuso Network. Dahil dito, sobrang excited ang aktres. Ni ayaw nga niyang magpa-pressure at pumatol sa pang-iintriga ng press na malamang na pagkumparahin uli sila ni Angel Locsin kung sino ang mas magaling at mas magre-rate sa papel ng Pinay superhero. Mas type raw ni Marian na i-enjoy ang pagiging Darna kesa intindihin ang mga negatibong bagay. Aminado siya na hindi maiiwasang pagkumparahin sila ni Angel, lalo pa nga't ito ang naunang gumanap sa unang Darna na ipinalabas sa Siyete. Pero sey ng aktres, pinagkukumpara lang sila dahil pareho nga silang artista, tapos, ito't ang ginawa na nu'ng isa'y gagawin pa lang niya. "Hindi kami magkagalit na dalawa," paglilinaw ng alaga ni Popoy Caritativo, na sinundan pa ng pagsasabing wala naman sinabing masama si Angel tungkol sa kanya sa mga interview nito lately. Katunayan, kinongratuleyt pa raw siya ni Angel sa isang panayam at para kay Marian, magandang gesture 'yon. Itinanggi rin nito ang tsikang tinanggihan niyang mapasama sa Darna si Katrina Halili. Aniya, wala namang nagtanong sa kanya kung sinu-sino ang mga gusto niyang makasama at saka maging ang GMA-7 management, hindi agad nakapagbigay ng pangalan ng mga magiging co-star niya. Bakit daw niya tatanggihan si Katrina, gayung malaki rin naman ang naitulong nito sa tinamong tagumpay ng Marimar nila ni Dingdong Dantes dati? "Ba't ko naman po tatanggihan ang isang artista na makakatulong para maging successful ang isang proyekto?" or something to that effect na pahayag pa ni Marian. Sa ngayon sina Nadine Samonte (bilang Babaing Tuod), Iwa Moto (Babaing Ahas) at Krissa Mae (kapalit ni Isabel Oli na nag-back-out bilang Babaing Linta) ang kumpirmadong makakasama niya sa Darna, na i-ere sa Agosto. Nagiging tampulan din ng usap-usapan ang napakaseksing costume na susuotin ni Marian bilang Darna. Kung paniniwalaan ang sey ni 'Nay Lolit Solis, halos labas ang kuyukot ng aktres sa two-piece costume. Hindi ba siya naasiwa rito at hindi ba nagselos o nagbawal ang rumored boyfriend niyang si Dingdong Dantes? Anang aktres, hanggang sa sinusulat ang item na ito'y nababago pa rin ang design ng costume. Hindi naman daw nagselos si Dingdong, concerned lang na baka siya masilipan. Anyway, kagabi idinaos ang FHM Philippines party para sa tinanghal na 100 Sexiest, pero kung hindi nagbago ang plano, mukhang malabong nakarampa si Marian. May naka-schedule rin kasi siyang pictorial kagabi para sa isang glossy men's mag, kaya hindi sure kung makakadalo siya. Si Cristine Reyes ang nagwagi ng top spot sa 100 Sexiest, pumangalawa naman si Marian. Source: People's Tonight |