Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian, Dingdong ayaw paghiwalayin ng GMA-7

Author: Vir Gonzales
Column: All The Way

Sadyang mahirap ang sitwasyon ni Marian Rivera ngayon. Kung lahat ng intriga ay papansinin niya, tiyak na sasakit lang ang kanyang ulo.

Kung sakaling uurirating muli, relasyon niya kay Dingdong Dantes ang ugat ng lahat. Sa totoo lang, mismong ang GMA-7 ang hindi pumapayag na paghiwalayin ang dalawa.

Naging established na ang kanilang loveteam at sayang nga naman kung bigla na lang itong bubuwagin.

Dahil kay Marian, naging maingay ang pangalan ni Karylle dahil lagi siyang napag-uusapan kapag si Dingdong na ang topic.

Tingnan lang natin kung ganito rin ang mangyayari kapag lalong umugong ang tsismis tungkol sa kanila ni Jericho Rosales. Kagatin din kaya ito ng publiko?

* * *

Hindi na pwedeng isnab-isnabin ngayon si Anne Curtis. Isa na siyang best actress awardee at hindi basta artista lamang.

Napatunayan ni Anne ang kanyang husay bilang aktres sa pelikulang Baler. Imagine, nakala-ban niya sina Dawn Zulueta at Ai-Ai delas Alas, pero siya ang nag-win.

Dahil sa pagkakapa-nalo ni Anne ng kanyang unang acting award, mas inspired siya ngayong magtrabaho sa Dyosa na matatapos na sa Jan. 16.

* * *

Sadyang ipinahanap ni Manny Pacquiao para batiin at pasalamatan si Rochelle Pangilinan noong mag-guest ito sa kanyang 30th birthday na ginanap sa General Santos City.

Nakita ni Manny kung gaano kagaling gumiling-giling ang star ng Tinderella. Natigilan daw ang mga nag-iinuman sa birthday party habang pinanonood si Rochelle.

Teka, kumusta na kaya sila ni Tariq ngayon? Balitang seryoso ang binata sa panliligaw kay Rochelle kaya hindi maiwasang magselos ni Arthur Salinap.

* * *

parang part two ng hiwalayan nina Madam Auring at Archie Something ang nangyari kay Dra. Vicki Belo at Hayden Kho na usap-usapan ngayon.

Siyempre, bata ang hinahanap ni Hayden kaya't sina Katrina Halili at Rufa Mae Quinto ang pinatulan niya.

* * *

May Valentine concert sina Martin Nievera at Pops Fernandez ngayong darating na February na ang title ay Missing You.

Maging successful kaya ito tulad ng mga naunang concert ng dating mag-asawa?

* * *

Birthday greetings to Leng Leng German Gonzales ng Bocaue Bulacan nu'ng Jan. 1, Jordean Faronda at Nap Alip sa Jan. 11, John Henry Gonzales sa Jan 18, Dr. Odi-lon Inoncillo ng Batangas at Flerida Inductivo sa Jan. 20.

Source: People's Tonight