Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian, Dingdong pinagsasawaan

Author: Vir Gonzales
Column: All The Way

Epektibong kontrabida si Coco Martin. Sa Tayong Dalawa, kitang-kita ang husay niya sa pag-arte. At least, nagkaroon siya ng venue para maipakita ang kanyang talent.

Malaki ang pasalamat ni Coco kay Mr. Deo Endrinal at Direk Ruel Bayani sa break na ibinigay sa kanya sa Tayong Dalawa.

* * *

Hindi kasalanan ni Marian Rivera kung mababa man ang rating ng Ang Babaing Hinugot Sa Aking Tadyang na napapanood sa GMA-7. Nawala kasi 'yung mga batang dating umiidolo sa dalaga dahil naging "sexy" ang bago niyang soap opera.

Hindi kaya nagsasawa na ang tao na si Dingdong Dantes ang palaging kapareha ni Marian?

* * *

Mabuti na lang at bukod kay Rosanna Roces ay kasama rin sa pelikulang Pasang Krus si Jao mapa na gumaganap bilang isang kidnaper.

Si Jao lang kasi ang kilalang artista sa grupo, the rest, hindi na. Puro baguhan pa ang kasama nila. 'Yung ibang star like Melissa Mendez, saglit lang nagpakita sa movie.

Pero in fairness, tama ang timing ng Pasang Krus para sa darating na Mahal na Araw.

* * *

PUMANAW ang isa sa mga miyembro ng bandang itinatag ni Amanda Amo-res na si Patrick Padilla na naaksidente sa Vista Verde, Cavite. Sumadsad ang sinasakyan nitong motor-siklo at duguang dinala sa ospital. Magkaganu'n man, nakatugtog pa rin ang mga kasamahan nito sa opening ng Sto. Domingo Barangay Hall na dinaluhan ni Cong. Bingbong Crisologo at Mayor Sonny Belmonte.

Ang asawa ni Amanda na si Kapitan Richard Yu ang punong-abala ng naturang event.

* * *

Halatang malungkot si John Lopez ng Survivor Philippines dahil malapit nang matapos ang season 21 ng Daisy Siyete.

Ayon sa baguhang aktor, mami-miss niya si Rochelle Pangilinan. Hindi naman makakalimutan ni Louise Bolton si John dahil ito ang first kiss niya sa showbiz.

Source: People's Tonight