Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian, Dingdong super-lagkit kung magtitigan ngayon

Author: Chan-Chan Torres
Column: Eksenadora

HINDI matapus-tapos ang katanungan tungkol sa pagpapakasal ni Judy Ann Santos.

Sa isang panayam sa batang superstar, sinabi niya ulit na totoong nalalapit na ang araw na ito, pero wala pang kumpirmadong petsa. Priorities ni Juday ay matapos muna ang bahay na ipinapagawa nila ng fiance ni-yang si Ryan Agoncillo.

"Nakita na namin ang bahay. May finishing touches pang ga-gawin. Hindi naman kasi puwedeng pagkatapos ng kasal at honeymoon, saka kami magpapa-renovate," sabi ni Juday. Bago ang lahat, gusto muna niyang ilagay sa ayos ang Mommy Carol niya. Nabanggit din ni Juday na ang bahay nilang tinitirhan ngayon sa Commonwealth ay ipapaayos at padaragdagan niya ng kuwarto para sa kanyang mga kapatid.

May pagkakataong emosyonal pa rin si Mommy Carol sa thought na mag-aasawa na siya. Pero, tanggap na raw ng kanyang pamilya ang katotohanan. After all, she's already 30.

"At hindi naman por-ke nag-asawa ako ay idi-detach ko na ang sarili ko sa pamilya," litanya ng aktres. Samantala, kahit hindi nakapasok ang Ploning sa Oscars, masaya pa rin si Juday dahil napili ang pelikula niya to be part of that prestigious event. Isang malaking kara-ngalan na raw ang mapili at mapansin ang husay ng Pinoy lalo't maraming naglaban-laban.

* * *

VERY Senator's wife si Lani Mercado sa party para sa press ni Sen. Bong Revilla.

Asikasung-asikaso ni Lani ang mga bisita at abala siya sa pagte-table hopping. Siya rin ang pu-nong abala sa pagkuha ng names ng press para sa raffles. Tinanong si Lani kung ano ang ma-sasabi niya sa maugong na usaping tatakbo si Sen. Bong sa 2010 elections, at sa much higher position.

Say ni Lani, bagama't nakasuporta ang buong pamilya kay Bong, lagi ni-yang sinasabi sa asawa na huwag magmadali. Tapusin daw muna ni Bong ang term as Senator.

Ganunpaman, kung ano ang naka-tadhana para sa Se-nador, kung ano ang mapagpasyahan nito ay buong-pusong susuportahan ni Lani.

Kitang-kita ang dedication ni Sen. Bong sa trabaho kaya ito siguro ang dahilan kung bakit siya ang napipisil ng par-tido nila para tumakbo for a higher position.

* * *

ANG guwapo ni Dingdong Dantes sa bago niyang teleserye with Marian Rivera. Para siyang super hero, 'yong si Clark Kent na office boy sa Superman. Hindi man umaamin na sila na ni Marian, kitang-kita na mas kumportable silang mag-kasama.

Sa isang TV guesting, ibang klase, sobrang lagkit ang titigan at kilos ng dalawa. Wala nang inhibitions, 'ika nga. Sinasabi rin nina Marian at Dingdong na mas espesyal na raw ang pakikitungo nila ngayon sa isa't isa.

Understandable, kasi nga'y malaya na nilang nagagawa at nasasabi ang nilalaman ng puso nila. Wala na silang iniisip na baka may masasaktan o may magseselos.

Source: Taliba