Mar 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian Rivera: 'Hindi po ako mangaagaw ng boyfriend ng iba'

Marian Rivera: 'Hindi po ako mangaagaw ng boyfriend ng iba'

Author: Arnel Ramos

Nagsisimula na ang open forum nang dumating si Marian Rivera sa grand press con ng Desperadas 2 the other day, December 15, sa Imperial Palace Suites. She was dressed in fiery red, like her co-stars Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Iza Calzado, and Ogie Alcasid (he plays a real woman named Luga Luda in the movie). The five of them play half-sisters sa Desperadas 2 na sequel sa surprise hit ng 2007 Metro Manila Film Festival na Desperadas.

Naiba ang mood ng press con nang biglang tanungin ng isa sa moderators na si Jun Nardo si Marian tungkol sa reaction niya sa The Buzz interview ni Karylle, dating girlfriend ni Dingdong Dantes, nung Sunday, December 14. Sa Tough Ten segment kasi ng The Buzz ay natanong si Karylle tungkol sa mga naglalabasang balita na buntis diumano si Marian courtesy of her perennial leading man na si Dingdong nga. Naging kontrobersyal ang pagngiti ni Karylle sa halip na sagutin ang tanong o magsabi ng "no comment."

"Nasaktan po ako," pag-amin ni Marian. "Na-offend ako kasi puwede naman siyang sumagot ng hindi eh. Bakit kailangang ganun? Kung yun po ang way niya para pag-usapan siya, pababayaan ko na lang po siya. Kung dun po ang ikaliligaya nila na nananapak sila ng tao, na makasakit sila ng damdamin, bahala na ang Diyos sa kanila."

Patuloy ng noo'y umiiyak nang aktres. "Basta ang masasabi ko lang po hindi ako buntis. At if ever man na buntis ako, ako mismo sasabihin ko sa inyo." Nagpasintabi rin si Marian sa mga co-stars niya dahil sa kanyang emotional outburst. "Nahihiya nga po ako sa mga co-stars ko kasi sa halip na dapat Desperadas ang pinag-uusapan, ito ang nangyari."

Sumingit ng tanong ang columnist na si Alfie Lorenzo to the effect na kaya marahil ganun ang attitude ni Karylle is because naniniwala ito na may relasyon na nga sina Dingdong at Marian. "If ever man po na magkaroon kami ng relasyon (ni Dingdong) o ng kahit na sino, aaminin ko po yun dahil lahat ng naging boyfriend ko proud ako." Matatandaang inamin nina Karylle at Dingdong ang kanilang breakup early November kahit na end of September pa sila opisyal na naghiwalay. Around this time ay usap-usapan ang pagiging sweet nina Marian at Dingdong sa set ng One True Love, ang first movie ng dalawa together. For the record ay never inamin ninuman kina Dingdong at Marian kung totoo ang mga ispekulasyon tungkol sa itinatago diumano nilang ugnayan. "Hindi po ako mang-aagaw ng boyfriend ng iba para lang magkaro'n ng boyfriend," tumataginting na denial ni Marian sa isang past interview.

Akala ng ibang writers present ay mai-interview pa nila si Marian after the question and answer portion ng press con pero mabilis itong umalis upon the advice of the press con's organizers. Marahil ay para maiwasan na lalo pang lumaki ang "buntis" issue at ang word war nila ni Karylle instead na masentro ang usapan sa pelikulang ipino-promote ni Marian and her co-stars.

Source: ABS-CBN Interactive