Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian Rivera bonds with 'foes' in Darna

Author: Fidel Jimenez
Column: Entertainment

MANILA, Philippines - Babaeng Ahas, Babaeng Linta, at Babaeng Lawin. Ilan lamang sila sa mga makakalaban ni Darna, ang Pinay superhero na gagampanan ni Marian Rivera at malapit ng mapanood sa Kapuso Network.

Ayon kay entertainment reporter Lhar Santiago, naka-bonding ni Marian sa isang workshop ang mga artistang gaganap sa karakter ng mga makakalaban ni Darna.

Kabilang sa mga kasama sa workshop ay sina Nadine Samonte na gaganap sa papel bilang Babaeng Impakta; Ehra Madrigal bilang Babaeng Lawin; Margaret Wilson na Babaeng linta; at si Iwa Moto, ang gaganap sa karakter na Babaeng Ahas, na mas kilala sa tawag na Valentina.

"Malaking tulong din at pinush ko talaga na magkaroon kami ng workshop, na bonding workship talaga para makilala nila kung talaga ako, makilala ko sila although yung iba dun close ko na. At least maganda pa rin na maging open kami sa isa't-isa," kuwento ni Marian sa Chika Minute portion ng 24 Oras ng GMA News nitong Biyernes.

Nagsimula na ring mag-taping si Marian para sa Darna at hindi pa rin umano maitago ng dalaga ang excitement dahil pangarap daw talaga niyang magampanan ang papel Pinay superhero.

"Excited ako pero syempre nandyan pa rin na kinakabahan ako. Hindi ko rin alam kung paano ako... kung maraming manonood a tao tapos naka-costume. Sana ma-overcome ko lahat," ayon sa aktres.

Kitang-kita ang kaseksihan ni Marian kapag suot niya ang costume ni Darna. Ano naman kaya ang nasabi dito ng kanyang napapabalitang nobyo na si Dingdong Dantes?

"Ang ganda, maganda, ganun lang. Hindi naman namin napag-uusapan yung mga costume na 'yan, more on excited na akong mag-taping ng Darna o sino yung mga kontrabida ko," ayon kay Marian.

Source: GMANews