|
|
| Marian Rivera, jologs na jologs! B-day gift ni Marian kay Dingdong, sobrang mahal!![]() Author: Jun Nardo NAG-CELEBRATE ng kanyang birthday si Marian Rivera sa SOP kahapon. Wala si Dingdong Dantes sa studio, pero, siya ang nag-intro sa paglabas ni Marian. May palagay kaming pagbibigay respeto na rin siyempre pa ng actor sa bagong kapareha ngayon ni Marian sa Darna na si Mark Anthony Fernandez. Sa napakahabang speech ni Marian, panghuli sa pinasalamatan niya si Dingdong. Pero bago 'yun, special mention talaga ang both side of Dong's family- ang Gonzales at Dantes. Parang pinatotohanan na rin ni Marian na sa lahat daw ng babaeng naugnay kay Dingdong, si Marian ang naging pinaka-malapit sa pamilya ng actor. In fact, noong mismong kaarawan ni Dingdong, isang surprise party ang naganap na exclusive only for Dong's family and Marian. And heard na isa rin daw ito sa pa-birthday ni Marian kay Dingdong. Huwag ng idagdag pa ang nakarating sa aming mamahaling regalo raw ng dalaga kay Dingdong. At kahit sa August 12 pa ang actual birthday naman ni Marian, may nakapagkuwento na rin sa amin kung gaano rin daw ka-expensive ang gift naman ni Dingdong kay Marian. Kung sukatan ang mahal ng isang regalo, masasabi naming grabe ang pagmamahal nila sa isa't-isa. (ROSE GARCIA)*** Amusing naman ang kadyologan ni Marian Rivera at in fairness, hindi irritating, huh! Damang-dama ang pagiging jologs ng bagong Darna sa telebisyon nang bigyan siya ng birthday celebration sa SOP kahapon na promo ng Darna na mapapanood tonight after 24 Oras. Tawa kami nang tawa habang pinasasalamatan ni Marian ang mga taong naging daan ng maganda niyang showbiz career. Para siyang nagpapasalamat sa mga simpleng tao, to think na maituturing na mga “higante” 'yon sa showbiz, huh! Ha! Ha! Ha! Inianunsiyo rin ni Marian ang coming horror movie niyang Tarot with Dennis Trillo under Regal Entertainment, Inc. Mali nga lang ang playdate na sinabi niya. Sa halip na August 26 ang showing, August 29 ang sinabi niya. Siyempre pa, todo ang GMA Network sa bagong version na ito ng Darna. Tinambakan ang series ng malalaking artista at ang mga kalaban ni Darna, iba't ibang uri ng “halamang pandagat,” huh! Sino kaya sa kanila ang makakabanggaan ng personal ni Marian? Nangyari 'yan sa kanila ni Katrina Halili sa Marimar, 'di ba? So, sa mga cinematic fight scenes nila, hindi maiiwasang magkasakitan, 'di ba? Mauna kaya si Nadine Samonte na parang may pinariringgan sa mga naging pahayag niya sa pagiging kontrabida niya. Anyway, sa birthday celebration ni Marian, hindi maiwasang hindi maging bahagi ang boyfriend na si Dingdong Dantes. Pilit man kasing ilayo siya sa image ni Marian, hindi ito maiiwasan dahil may tatak na rin naman ang loveteam nila sa publiko! So, with or without Dingdong, tuloy ang lipad ni Darna tonight at ang pagiging dyologs niya, whether you like it or not! Ha! Ha! Ha! Source: Abante |