Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian Rivera lasang chocolate cake, paksiw na litson

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

INIHALINTULAD ni Dingdong Dantes sa isang paksiw na litson si Marian Rivera nang na-interview namin siya sa presscon ng Goldilocks sa Edsa Shangri-La Plaza last Friday (Jan. 9).

Ipinagtapat ni Dingdong na no. 1 crush niya si Marian Rivera.

Wika ni Dingdong: "Si Marian ang sexiest woman for me kahit may pagka-jologs siya. Iyon ang natural niya kaya wala tayong dapat baguhin. Kaya inirerespeto ko ang pagiging jologs niya. "

Inihalintulad din ni Dingdong ang sarili at si Marian sa isang chocolate cake. Masarap daw kainin ang chocolate cake lalung-lalo na ang kaloob-looban nito.

Panay tungkol sa pagkain ang paghahalintulad ni Dingdong sa sarili at kay Marian dahil siya ang bagong endorser ng Goldilocks.

Pagdating sa love-life, tahasang sinabi ni Dingdong na loveless pa rin siya. Puro, speculation lang daw ang naglalabasan na sila'y may relasyon ni Marian.

Ang totoo ay close friends lang sila ng kanyang leading lady sa bagong soap ng GMA-7 na Ang Babaeng Hinu-got Sa Aking Tadyang.

* * *

NAKASAMA namin sa Hong Kong si Dr. Michael Tee, head ng Philippine General Hospital Public Affairs, at member ng medical board ng FG Foundation (foundation ni First Gentleman Mike Arroyo) na nagkakaloob ng full scholarship sa medical schools sa deserving medical students. Ayon kay Miner Salvador, staff ng FG Foundation, kasama rin sa medical board ng FG Foundation sina Dra. Aida Salonga, Rodney Dopitas at Dr. Lita Visconde.

Trabaho ng medical board ng FG Foundation na mag-screen ng mga estudyanteng karapat-dapat big-yan ng scholarship program.

Ang FG Foundation board din ang nagmo-monitor sa mga bagong doktor na mga nagtapos sa pamamagitan ng scholarship program ng FG Foundation.

Sa kasalukuyan, ang FG Foundation ay may 62 scholars under the program Bagong Doktor Para Sa Bayan.

Target ng foundation na sa 2010 ay magkaroon sila ng medical scholars na 'di bababa sa isang daan.

* * *

MASAYA lagi ngayon si Joey de Leon dahil maganda ang pasok ng bagong taon sa kanyang mga programa.

Lalo na sa Takeshi's Castle na patuloy pa ring namamayagpag sa ere.

Gamay na ni Joey na mag-host ng game show na tulad sa local Ta-keshi's.

Ang contestants niya ay puro sikat na mga artista na walang angal sa mga ipinagagawang games kahit pa anong hirap ng mga ito.

Ang film clips ng show na mula sa Japan ay puro bago.

Kaya naman hindi talaga nagsasawa ang Pinoy televiewers sa pa-nonood sa Takeshi's Castle ng GMA-7 tuwing weekends, Saturday at Sunday ng tanghali.

Source: Taliba