|
|
| Marian Rivera lumamig na ang pagtingin kay Dingdong DantesAuthor: Gerry Ocampo HIndi na raw talaga naitatago ni Marian Rivera ang sobrang selos sa pagiging sweet at close ngayon nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos sa taping ng Stairway to Heaven. Heto pa ang isang naka-dagdag sa 'sakit' na nara-ramdaman ngayon ni Marian, maging pala ang fans nila (Dingdong-Marian tandem) ay kinikilig sa sweetness nina Dingdong at Rhian sa Stairway to Heaven. At pati ang staff and crew ng telenovelang ito, pagkatapos kunan ang eksenang halikan nina Cholo at Jodi, ay kinilig din at nag-comment pang bagay na bagay ang dalawa. Kaya naman dahil 'di na nakatiis, kinumpronta na ni Marian si Dingdong. At balita namin, pagkatapos ng said comfrontation, naging very cold na si Marian kay Dingdong. Meaning, hindi nakumbinsi si Marian sa paliwanag ni Dingdong na walang namamagitan sa kanila ni Rhian. * * * Matunog ang pangalan ni Ronnie Ricketts na ipapalit kay Edu Manzano as OMB chairman at hindi si Phillip Salvador na iniendorso raw ni Sen. Bong Revilla. In fairness kay Rocketts, hindi matatawaran ang ta-pang nito pagdating sa pagsugpo sa mga pirata ng local movie industry at music in-dustry, kasama na rin ang porno films na nagkalat sa Quiapo. Bilang isang actor/producer, alam ni Rocketts ang mga hirap na pinagdadaa-nan ngayon ng movie producers na namumuhunan nang malaki para makagawa ng pelikula at mabigyan ng hanapbuhay ang maliliit na movie workers. At ang piracy ang number one na kalaban ngayon ng movie at recording industry kaya dapat itong bantayan, tutukan at higit sa lahat bigyang-pansin na mabuti ng sinumang mauupong bagong OMB chairman. Dati ring presidente ng KAPPT si RR. May kredi-bilidad at leadership siya kaya qualified siya sa posisyong chairman ng OMB. Hindi siya kayang takutin at sindakin ng sinuman dahil may prinsipyo ang actor/producer at husband ni Mariz. Tulad din siya ni Pareng Ipe na may prinsipyo at hindi kayang takutin ng sinuman, kaya kahit sino sa kanila ang mapiling uupong OMB chairman ay kara-pat-dapat. * * * Sa grand presscon ng Patient X hindi nakaligtas sa matalas na paningin ng reporter ang sweetness nina Richard Gutierrez at Cristine Reyes. Magka-holding hands na dumating sa presscon ang dalawa at habang ini-interview ng press ay nakapatong ang kamay ni Chard sa makinis na hita ni Cristine. "Sobrang comfortable lang kami sa isa't isa," kat-wiran ni Chard. Biniro tuloy siya ng movie reporters na sa sobrang comfortable ba nila isa't isa kaya okey lang na nakapatong na sa legs ni Cristine ang palad ni Chard, na ikinatawa na lang ng aktor. Posible bang mahulog ang loob nila sa isa't isa? "Ako, sure ako na walang masasaktan, aywan ko lang sa kanya (Richard)," nakangiting sabi ni Cristine. Inamin din ng utol ni Ara Mina na siya ang nagyaya kay Chard na magpunta sila sa Subic para mag-jetski at hatinggabi na sila nakabalik sa Maynila. Pero iginiit ni Cristine na magkaibigan lang sila ni Chard, na kinumpirma naman ng aktor. Mas lalo lang umanong naging malalim ang kanilang friendship matapos ang insi-dente noong bagyong Ondoy kung saan parehong na-nganib ang buhay nila nang i-rescue ni Chard ang leading lady sa bubong ng bahay ng aktres sa Marikina. Samantalang nabigo naman ang mga reporter na hi-ngan ng reaction si Chard sa nangyari umano sa kanya sa Ninoy Aquino International Airport kamakailan na kasama si Jewel Mische. Source: Taliba |