|
|
| Marian Rivera neither confirms nor denies playing Darna in GMA-7 fantaserye![]() Author: Glen P. Sibonga Tanggap ni Marian Rivera na hindi number one sa primetime ratings ang pangatlong teleserye nila ni Dingdong Dantes na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang (ABHSAT). Hindi naman nawawala sa top three ng Mega Manila ratings ng AGB at TNS ang kanilang teleserye, kasama ang dalawa pang nangungunang shows ng GMA-7, ang Totoy Bato at Zorro. Marami kasi ang nag-e-expect na dahil sa parehong number one sa ratings ang nauna nilang mga teleserye na Marimar at Dyesebel ay dapat number one din ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Ano ang masasabi ni Marian dito? "Sa mga ganung bagay, ako kasi sa sarili ko, gumagawa ako ng soap dahil ini-enjoy ko siya. Thank you sa GMA at may another project na naman ako. At ini-enjoy ko kasama ko si Dong dito, kasama ko si Direk Joyce [Bernal]. So, para sa akin, importante lahat ng nangyayari sa akin. "Lagi ko ngang sinasabi na tanggapin mo yung katotohanan na not all the time number one ako. Not all the time number one yung show ko. Kailangan matuto kang i-accept yun," pahayag ni Marian nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the press visit sa set ng GMA-7 teleserye last Friday, April 3, sa New Manila area. Dagdag niya, "Hindi naman porke't ito sinasabi nila na hindi kagandahan ang ratings, okay lang. At least, nae-explore namin ang kakayahan namin, nag-e-experiment ang GMA, nahahasa ang pagka-mature ko. Kaysa naman sa tweetums lang ako lagi, parang hindi ako nagma-mature. "Kasi gusto ko rin naman na mahasa ako sa pag-arte. Gusto ko rin naman na mas may matutunan pa ako. So, okay lang , ini-enjoy ko pa rin. At to be honest, love ko talaga itong show na ito. Lahat naman ng show ko, love ko talaga lahat. Talagang lahat ibinubuhos ko talaga lahat, e. Kahit masaktan ako, okay lang. Parte 'yon ng trabaho, e." Sa lahat ng mga nagawa niyang teleserye, what makes ABHSAT memorable? "Matured kasi yung role ng Tadyang, e, talagang dibdiban. At saka hindi mo siya puwedeng ibandying-bandying lang yung story niya. Kasi in fairness naman talaga sa istorya nito, para sa akin ha, nagagandahan ako kasi kakaiba siya. At realistic, parang ito talaga yung totoong buhay, e, ito talaga yung totoong nangyayari, e. Kapag may mahal ka, may manggugulo, ganun talaga yung puwedeng mangyari, e. Makatotohanan." REAL HURTS & PAINS. Aminado rin si Marian na mahirap emotionally at physically ang ABHSAT. Maraming mga eksena ang iyak siya nang iyak. May mga eksena rin na totoong nasasaktan siya. Paano niya kinakaya ang mga ito? "Okay lang naman po. Siguro... paano ko ba ie-explain? Siguro sabihin na lang natin na gusto ko yung ginagawa ko at saka motivation lang talaga. Halu-halong motivation lang yung iniisip ko. Dyusko, minsan iiyak ako, hindi na talaga ako makahinga sa kakaiyak, nahihirapan na ako nun." Hindi ba siya nade-drain sa mahihirap na mga eksena? "Minsan din po. Kasi may mga times na katulad ng sa ospital na eksena namin na ito ipinapalabas na, dyusko, ilang sequence...56 sequences yata, tapos wala akong ginawa kundi umiyak! Lahat iyak, nung sinampal ako ni Ms. Carmi [Martin], tapos may eksena with Homer [Dingdong], tapos hinatak ako ni ganito, ni ganyan. Actually, yung kay Ms. Carmi, totoong sampal yun at saka yung mga tapik niya sa akin, lahat yun totoo," lahad ng aktres. May mga times ba na napapaiyak na lang siya sa sakit dahil sa totohanang sampalan? "May mga times na ganun," pag-amin niya. "Nag-sorry naman si Ms. Carmi. At saka umpisa pa lang sinabi na niya na, 'Hoy, sasampalin kita talaga ha.' Sabi ko, 'Opo.' Kasi sinabi din naman ni Direk Joyce, e. Kung hindi naman sinabi ni Direk tapos sinampal niya ako, ay, huwag naman ganun. Pag sinabi ni Direk na papasampal niya ako. Okay po, hindi naman ako nagrereklamo, basta kailangan sa eksena at basta alam ko lang po. "May mga times naman na hindi ganung kabigat yung mga eksena, minsan nadadaya naman yung pananakit sa akin. Kawawa naman ako kung lahat ng eksena ay sasampalin ako nang totoo, sasaktan ako nang totoo. At saka ang liit ko kaya kumpara kay Ms. Carmi! Yung kalahati pa lang ng kamay niya buong face ko na kaya. E, kasi maliit lang din naman ang face ko, di ba? "In fairness naman sa lahat ng nakakaeksena ko rito, alalayan naman talaga lahat kami. Pero kung kailangan talaga na pisikalan na at utos naman ng direktor, okay lang. Kaya after nun, 'Uy sorry ha, nasaktan ka ba?' Parang hangga't maaari ganun ka talaga ka-professional." Ano na ang pinakamahirap sa lahat ng mga nagawa niyang eksena sa ABHSAT? "Actually, halos lahat naman mahirap, e. Siguro ang pinaka-memorable lang yung pagsampal sa akin ni Ms. Carmi. Kasi parang ngayon na lang ulit ako nasampal ng ganun kalakas, e. Kasi yung dati ko, kay Mylene Dizon pa sa Dyesebel. Tapos sa Marimar, yung kay Katrina [Halili], marami naman dun daya, e, aktingan na lang kami dun. Sapawan na lang talaga. Kahit sa Dyesebel, alalayan lang talaga. "Pero yung kay Ms. Carmi talaga, pak! Talagang yung boses ko na nanginginig habang naglilinya ako, totoo yun. Ngayon lang kasi ako ulit nasaktan ng ganun. Pero in fairness naman kay Ms. Carmi, lumapit naman siya at nag-sorry. Sabi ko, 'Wala po yun, okay lang po.'" NEXT TELESERYE. Hindi na ba siya babalik sa mga pampamilyang teleserye na maluwag na makakapanood muli ang mga batang fans niya? Source: Philippine Entertainment Portal |