Marian Rivera on Karylle's The Buzz interview: 'Na-offend ako!' Author: Patty Ramirez "Hindi ako buntis at if ever man na buntis ako, sasabihin ko naman sa inyo." Maluha-luhang humarap sa press kahapon ang aktres na si Marian Rivera at pinabulaanan ang maugong ngayong issue na siya'y nagdadalang-tao courtesy of her leading man Dingdong Dantes. Lalo kasing napag-usapan ito nang humarap ang ex-girlfriend ni Dingdong na si Karylle sa The Buzz noong lingo at napangiti lamang ito nang tanungin kung buntis nga ba ang sinasabing kanyang karibal. Very emotional si Marian sa press con ng Desperadas 2 at madamdaming statement ang ipinahatid niya kay Karylle. "Para sa akin kasi may malisya. Pwede naman kasing sumagot siya na 'di ko alam. Pero ngumiti lang siya na parang nambibitin siya. Aaminin ko sa inyo na-offend ako. Nasaktan po ako...pero kung yun yung way para mapag-usapan siya, hayaan ko na lang po siya kung yun po ang ikaliligaya nila, na nang-aapak silang tao."Sa huli ay nakiusap na lang din si Marian na sana'y lubayan na siya ng mga detractors niya. Samantala, nilinaw ni Karylle ang kanyang naging reaction sa The Buzz kahapon naman sa palabas na Boy & Kris.Wala naman daw meaning na ganoon ang kanyang pag-smile at na-misinterpret ito ng karamihan. "It doesn't have to mean anything. I wasn't in the position to answer so if I didn't smile it would mean something else. I don't know what they want me to do actually. I guess I don't want to answer that question, that's what I wanted to say. Parang how do you say it properly? So I was just smiling and trying to figure out what to do. Ano bang gagawin ko?" pag-eexplain ni Karylle sa host ng show na si Kris Aquino. "It's such a sensitive topic so I'm not really in a position to speak. So how do I phrase it properly?" Nagbigay rin ng pahayag ang bagong manager ni Karylle na si Carlo Orosa. Ayon sa kanya sana naman ay huwag nang palikihin pa ang isyung ito sa pagitan ng dalawang aktres. "I hope that the issue will not be overblown now that Kay is starting a new chapter in her life and career as a Kapamilya. She is also a victim of misleading interpretation." Source: ABS-CBN Interactive |