Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian Rivera sa TV lang sikat

Author: Ed De Leon
Column: Dream

MAY nagtatanong sa amin, kung totoo raw na ganoon nga kasikat si Marian Rivera, bakit isa man sa dalawa niyang pelikula sa nakaraang film festival ay hindi lumaban sa box office.

Hindi pa rin siya umubra sa pelikula ni Ai Ai dela Alas at Tito,Vic and Joey.

Marami ngang kalaban ang pelikula niya sa ganyang festival, ang tanong namin ay totoo ba ang sinasabi nilang hit ang pelikula nilang dalawa ni Dingdong Dantes?

Hindi kaya padded lang ang mga press release nila noon kagaya ng sinasabi ng marami?

Iilan lang naman talaga ang nagsasabing hit ang pelikulang iyon.

Ang ibig naming sabihin, oo nga at sikat iyang si Marian Rivera pero sa TV lang.

Hindi pa siya puwede sa pelikula.

Sa TV kasi napapanood mo lang iyon nang libre at kadalasan kung pinanonood mo ang mga nauuna o kasunod na programa, napapanood mo na rin kahit na ang mga programang hindi mo intensiyong panoorin.

Iyan ang dahilan kung bakit nakokopo ng Channel 7 ang primetime slot, kumbinasyon kasi ang kanilang mga programa.

Nagkakahilahan sila.

Eh, ang pelikula, para mapanood mo, magbabayad ka nang mahigit na P100.

Sino ngayon ang magbabayad para mapanood ang isang artistang napapanood na nila araw-araw nang lib-re sa telebisyon?

Siguro mayroon kung talagang napakalaking pelikula noon.

Kung hindi naman, si-guro mababalita na napakahusay na acting ang kanyang ipinakita.

Una, wala pa naman si-yang malaking pelikula talaga.

At may isang maldito ang nag-comment na hindi naman siya ganoon kagaling talaga.

Kaya para asahan mo na ang pelikula niya ay ma-kikipaglaban sa takilya sa mga malalaking pelikula, aba, eh, wish ko lang.

* * *

NASAAN na kaya ang mga nagsasabi noon na tama at magandang desisyon ang ginawa ng dating young male star na si Sherwin Ordonez na mag-bold sa isang indie film?

Ngayon kaya nila isulat ulit kung ano ang mga pinagsasabi nila noon.

Sa totoo lang, naniniwala naman kaming may talent si Sherwin. Hindi nga lang na-bigyan nang hustong break, tapos natabunan pa ng mga baguhan kaya medyo lumamig ang kanyang career.

Pero kung tama ang pac-kaging, maaaring maiangat na muli ang acting career ng batang iyan.

Tama nga siguro na pagawin na siya ng mature roles dahil hindi na naman siya bata, pero hindi naman yata tama na ang gawing paraan ay paghubarin siya.

Tingnan ninyo ngayon, ano ang nangyari sa career ng bata?

* * *

TOTOO ba iyong tsismis na isang jueteng lord daw ang napakaraming tickets para sa awards night noong nakaraang MMFF, na ang kuwento raw ay "Ibinenta sa akin iyan noong mga bataan ng mga mayor. "

Kung may pambayad ba naman siya, eh, ano nga ba ang pakialam natin, pero sa sinasabi ni-yang iyon, ibig sabihin may mga mayor pa rin talaga na may kaugnayan sa jueteng lords.

Papaano nila nasa-sabi ngayon na ang Metro Manila ay jue-teng free? Kunsabagay doon sa lugar namin may mga kubrador pa rin ng jueteng.

Source: Taliba