|
|
| Marian Rivera shines in 'Darna' press launchAuthor: GMANews.TV Nagbigay ng patikim ang cast ng "Darna" sa isinagawang press launch kamakailan. Namangha ang lahat sa ipinakitang fight scenes ni Marian Rivera habang suot ang costume bilang Pinay superhero na si "Darna." Sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, ikinuwento nito na sinimulan ang press launch sa pagkanta ng bandang Kamikaze sa kanilang hit single na "Darna." Pagkatapos nito ay isa-isa ng ipinakilala ang mga bigating pangalan sa industriya na kasama sa higanteng proyekto ng GMA. Kabilang dito sila Mark Anthony Fernandez, Rufa Mae Quinto, Raymart Santiago, Eddie Garcia, Celia Rodriguez, Alfred Vargas, Caridad Sanchez, Janice de Belen, Paolo Ravales at Krissa Mae. Kasunod nito ay ang paglabas ng mga makakalaban ni "Darna" sa pangunguna ni Paolo Contis bilang "Hari ng mga Ahas"; si Iwa Moto bilang si "Valentine"; Ehra Madrigal ang "Babaeng Lawin; si Francine Prieto ang "Babaeng Tuod"; Margaret Wilson ang "Babaeng Linta," at si Nadine Samonte ang "Babaeng Impakta." Nagpalakpakan ang lahat nang lumabas na si Marian na seksing-seksi sa suot niyang costume bilang si "Darna." Pagkatapos nito ay nagpatikim ni Marian kung anong fight scenes ang dapat abangan ng mga manonood. This page requires a higher version browser Ayon sa cast, hindi biro ang ginawa nilang mga paghahanda at sakripisyo upang mabigyan ng isang napagandang telefantasya ang mga tagasubaybay ng Kapuso Network. "Kanina may mga sugat na ako bago pumanta rito. Sa eksena ko dun sa kabila, dahil sinasagip ko si 'Valentina' dinagit ako ni 'Lawin,'" paglalahad ni Marian sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Martes. Matatapos na sa Lunes ang paghihintay sa "Darna" dahil mapapanood na ito sa telebabad block ng GMA Network. Tiwala si Marian na magugustuhan ito ng mga tao ang "Darna,"at todo ang kanyang pasasalamat sa GMA management dahil sa kanya ibinigay ang proyekto. "Laking pasasalamat ko sa GMA dahil isang malaking proyekto na naman ang ibinigay nila sa akin, saka thank you talaga sa kanila at sana ienjoy nila ang 'Darna," pahayag ng seksing aktres. - Fidel Jimenez, GMANews.TV Source: GMANews |