|
|
| Marian Rivera, tinitira na naman!![]() Author: Abante Pakiramdam ni Popoy Caritativo, ang manager ni Marian Rivera, wala na lang talagang maisip na puwedeng ipanira sa kanyang alaga kaya kahit hindi naman daw nangyari, inuulit-ulit pa rin ang isyung kesyo nagtaray o may natarayang fans si Marian. Wala pang idea si Popoy sa bagong isyung ikinakabit na naman sa dalaga. Ito 'yung kesyo may natarayan at napagtaasan daw ng kilay si Marian sa isang lugar sa Quezon City. Ayon pa sa write-up, nagkataon na 'yung lugar pa raw na 'yun ay may pag-aaring bar sina Dingdong Dantes at dating girlfriend na si Karylle. Kaya sa pagtataka ni Popoy, “Bakit naman pupunta roon si Marian?” We told him na bago raw mag-Holy Week naganap 'yun. Pero aniya, bago mag-Holy Week ay naging busy si Marian sa taping para sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Ang nakarating pa pala kay Popoy ay 'yung may tinarayan daw si Marian sa isang cosmetic/drug stores na nagkalat sa Kamaynilaan ang branch na hindi daw talaga napupuntahan ni Marian. So, nakakapagtaka nga raw na may mga isyu sa kanya sa mga ganoong lugar at tila paulit-ulit na lang din na ganoon ang intriga. Posible raw kasi na walang mahanap na butas kay Marian pagdating sa trabaho dahil maayos lahat ang trabaho nito. At dahil dati na ngang tinitira sa isyung kesyo nagtataray kaya parang dito ito paulit-ulit ginagawan ng isyu. Anyway, sa pagtatapos ng ABHSAT, sigurado raw na isang pambatang serye ang susunod na gagawin ni Marian. Hindi nga lang alam ni Popoy kung ito na ba 'yung sinasabing Darna dahil wala pa naman daw formal na offer sa kanila. Source: Abante |